Tumingala ako sa kalangitan kung nasaan ang mga bituing kumikislap. Bumuga ako ng hangin dahil hangang ngayon ay bumabagabag pa rin sa'kin ang sinabi ni boss kanina.
Ano naman ang ibig-sabihin niyang bumabawi?
Napayakap ako sa'king sarili nang umihip ang sariwang hangin, narito kasi ako sa bubungan ng bahay namin. Ang sarap tumambay rito dahil mahangin at ramdam na ramdam ko na ang diwa ng pasko kahit first week of November pa lang.
Ang bilis lang ng araw dahil magpapasko na... Sana ngayong pasko masaya kaming magsasalo-salo. Kahit hindi kompleto basta masaya kaming magkakapayid. At ang kaninang bumabagabag sa'kin ay unti-unti na ring naglaho.
Nanatili muna ako sa taas ng ilang minuto bago napagpasyahan na bumaba dahil giniginaw na ako at inaantok na rin. Pagpasok ko sa kuwarto ay naabutan ko si lola Beth na pinagmamasdan ang kambla na mahimbing na natutulog.
At habang tinititigan ko siya ay bigklang sumagi sa isip ko no'ng tinanong ako ni Boss tungkol sa kaniya.
""La, malapit po ba kayo kay big boss?" curious kong tanong at dahan-dahan naman niya akong nilingon ngunit muli niyang binalik ang tingin sa dalawa.
"Hindi gano'n kalapit sa kaniya. Bakit mo naman natanong?" sambit nito at hinarap ako.
Bumuga ako nang hangin at napasandal sa dingding. "Natanong ka kasi niya sa'kin," tamad kong saad at humikab.
Napakurap ito at bahagyang tumango. "Gan'on ba? Sa tingin ko mayroon siyang alam tungkol sa inyong magulang," sambit at humalukipkip.
Ang kaninang inaantok kong diwa ay biglang nagising. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kaniyang sinabi.
"Sigurado po kayo?" utal-utal kong tanong at napakagat sa ibaba kong labi.
"Oo. Naalala ko noon nagtratrabaho 'yong mama mo sa underground bilang stripper," saad nito na nakapagpa-awang sa'king labi.
Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. "B-Bakit ngayon mo lang sinabi?" medyo pasigaw kong tanong at binabaan ang boses dahil naalala kong natutulog pala ang kambal sa'ming.
Bahagya akong inirapan ng matanda. "Hindi ka naman nagtatanong at kapag nagkwekwento ako dati nagagalit ka." Ngumiwi ito at umiling.
Natikop ang aking labi at nag-iwas ng tingin.
T-Tama siya. Noon ay ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa'ming magulang at pilit ko iyong iniiwasan. Pero ngayon? Na-cucurious ako sa kanilang pagkatao dahil hindi ko man lang nasilayan ang kanilang mukha. Ang naalala ko lang ay no'ng isang gabi ay may inuwi si lola na kambal at doon ko nalaman na kapatid ko pala iyon.
"Ang mabuti siguro ay tanungin mo na lang si big boss," saad nito at humiga na sa kama.
Natulala lang ako sa kawalan at napayakap sa'king tuhod nang magsimula nang umalog ang aking balikat. Napakagat ako sa aking labi para mapigilan ang paghikbi.
Ang daya lang kasi... dapat nagpakilala man lang sila sa'kin para kahit ganon ay kilala ko sila. Pero wala eh. Pinunasan ko ang aking luha at huminga nang malalim.
Kung darating man ang panahon na magpapakilala sila sa amin ay huwag na.
"Shit. Yadah!" bulalas ni Acid nang makapasok ako sa loob.
Inosente ko siyang tinignan at naglakad palapit sa kaniya.
"Narinig ko 'yong nangyari kahapon. Ayos ka lang?" nag-aalala nitong tanong at sinuyod ang aking kabuoan.
Tipid akong ngumiti at tumango. "Oo. Hindi naman kami nasaktan." At umupo sa black na couch.
Umupo siya sa'king tabi at humalukipkip. "Mabuti. Pero wala ka bang nakitang kakaiba kay Joaquin?" bulong nito kaya napasandal ako sa couch.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.