Mabilis kong pinunasan ang aking pisngi. Kinapa ang aking bulsa at dumeretso ako sa garahe nang makapa roon ang susi at cellphone. Mabilis kong pinaharurot ang kotse paalis doon at napatingin ako sa side mirror nang makita ang nakatayong katawan ni Joaquin habang pinapanood ang paglayo ng aking sasakyan.
Napakagat ako sa'king labi at mas binilinsan ang speed ng kotse. Kinuha ko ang cellphone at mabilis na nag-dial. Kumunot ang noo ko nang hindi ito sumagot kaya dinaial ko ulit.
"Hey, madaling araw pa lang if hindi mo alam. Bakit ka tumawag?" inaantok nitong tanong at may bahid ng sarkastiko.
Napa-irap ako. "Where are you?"
"In my house, of course!" iritado nitong saad.
"Send me the location. I will crash in your place." At binaba ko na.
Bumuntonghininga ako at mabilis kong tinungo ang bahay ni Luna nang i-send nito ang location. Lumipas ang bente minutos ay natunton ko rin ang kaniyang bahay.
"What happened?" bungad nito nang buksan niya ang pintuan ng kaniyang bahay.
Hindi ko siya sinagot at deretsong pumasok sa kaniyang bahay. Pabagsak akong umupo sa malambot niyang sofa at inilibot ang paningin sa bahay.
Malaki ang bahay, maraming gamit pero walang bahid ng saya ang bahay na ito. Walang kabuhay-buhay kumbaga.
Bumuntonghininga ako at napatingin sa kaniya.
"Hindi ko masikmurang manatili roon. Pinapalibutan ako ng manloloko," malamig kong saad at humalukipkip.
She sighs. "I'm sorry to her that. Naawa lang ako sa'yo, siguro kung hindi ko sinabi hindi mo pa malalaman. Kasi sa tingin ko wala nang balak sabihin ni Dether sayo. Imagine nasa iisa kayong bubong pero never niyang sinabi sa'yo," sambit nito habang bumalandra ang dismayado at pagkaawa sa kaniyang mukha.
Nagbaba ako ng tingin. Ayaw kong kina-aawaan ako. "Tutal ikaw ang nagsabi, kaya ikaw ang ginugulo ko," saad ko at maliit na ngumisi.
"It's fine," she said and smiled. Ang ngiting genuine at ngayon ko lang nakita. "You can stay here whenever you want. Follow me, I will lead you to your room." Tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa hagdan.
Pinanood ko muna siya bago sumunod. Naglakad kami sa mahabang hallway hanggang sa tumigil siya sa tapat ng isang pintuan.
"This is your room," she said and opened the door. Binuksan niya rin ang ilaw.
Bumungad sa'kin ang puting kuwarto at sa sobrang puti ay ang liwanag ng paligid. Compared sa living room niyang kay dilim.
"Thanks." At naglakad na ako papasok. Muli ko siyang nilingon nang magsalita siya.
"Nasa tabing kuwarto lang ako and kung gutom my kitchen is free." Pagkatapos sabihin 'yon ay sinara niya na ang pintuan.
I sighed.
My first impression to her was wrong. She's bitch, untrusted women and masama, I thought she was like that but it's not.
She's kind...
Agad akong humiga sa malambot na kama at napahikab. I think I need more sleep.
Pagbaba ko ng hagdan ay hinanap ko ang dinning room, buti na lang ay may nakasalubong akong helper at tinuro sa'king kung saan.
Nang malampasan ang living room ay bumungad sa'kin ang dinning room. At nandoon na si Luna, naka-upo sa kabesera. Nang makita niya ako ay tinuro niya ang upuang sa gilid nito.
"Good morning. How's your sleep?" tanong nito at sumimsim sa kaniyang baso.
Maayos akong umupo at bahagyang tumango. "Good morning. I had a good sleep." Tipid akong ngumiti.

BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.