"A-Acid... Nawawala yata si Joaquin," saad ko habang hindi mapakali sa'king kinatatayuan. Nasapo ko ang aking noo at bumuntonghininga.
Kabibilin lang ni boss kanina na bantayan ko ang lalaking 'yon.
"Psh. Nawawala? Bakit bata ba siya?" sarkastikong saad nito at ngumiwi.
"Cid naman! Hindi nga siya pamilyar sa lugar na 'to, eh. Binilin siya sa'kin ni boss kanina," halos sumigaw na ako dahil sa inis at kaba.
Masasama pa naman ang mga tao rito. Paano kung napagtrippan siya ng mga tambay? Kitang-kita ko pa kung ano ang ginawa nila sa dala niyang motor.
"Shit!" usal ko at madaling lumabas sa underground.
"Sandali, Yadah!" sigaw ni Cid ngunit hindi ko siya pinansin at nagtutuloy-tuloy sa paglalakad.
Paglabas ay agad akong luminga-linga sa paligid. Nagbabaka sakaling nandiyan lang sa tabi. Ngunit halos limang minuto na ako ritong nakatayo hindi ko pa rin nakikita ang kaniyang anino. Napahilot nalang ako sa'king noo.
Bakit naman kasi umalis pa sa loob? Sana sinama ko na lang siya at hindi siya iniwan sa loob. Mukhang mainipin pa naman ang lalaking 'yon. Alam niyang bago palang siya rito tapos tripp niyang gumala.
Napakamot ako at naglakat palapit sa isang malapit na tindahan. Magtatanong-tanong nalang ako. Kapag talaga nahanap ko ang lalaking 'yon kakalbuhin ko siya.
"'Teh, may nakita kabang maputing lalaki? Malaki ang katawan tapos bago lang 'yon dito," mahaba kong alintana.
Kumunot ang noo ang tindera at ang mata ay unti-unting nanlaki kaya bahagya akong lumapit at nag-aabang ng sgaot.
"Ay oo! Siya yata 'yong pinagtritrippan sa eskinita kanina," saad niya na ikinalaki ng mata ko.
"Ano?!" bulalas ko at mabilis na nagtungo roon.
Shit lang talaga! Langya ka Joaquin! Bubogbugin ko talaga ang isang 'yon kapag napa-away ang isang 'yon.
Hinihingal akong napasandal sa pader ng eskinita at totoo nga. May pinagtritripan na naman ang mga tambay. Ganiyan talaga kapag walang magawa sa buhay.
"Hoy!" sigaw ko na umalingawngaw sa masikip na eskinita.
Awtomatikong naglingunan ang grupo ng tambay. Shit. Grupo na naman ni Andy! Bakit sa dami ng tambay 'yong grupo pa talaga niya?
Mortal ko kaya 'yang kaaway. Nagkiskisan ang aking ngipin sa inis at nagmartsa palapit sa kanila. Nilamon ko na ang aking kaba at takot.
"H-Hoy, Andy!" muntik pa akong ma-utal. Shit.
"Oh, Yadah! Wazzup?" si Andy habang preskong nakahalukipkip. Pangit!
Nagrolyo lang ako ng mata at hinawi ang grupo niya at sinilip kung sino ang pinagtritrippan nila. Maputi nga at medyo malaki ang katawan pero hindi si Joaq... Bahagya akong nanlumo pero nang mag-angat ang tingin ng lalaki ay nanliit ang aking mata.
Singkit at nakasalaming lalaki... Pamilyar 'to, ah! Nag-angat ako ng tingin kay Andy na ngayon ay palipat-lipat ang tingin sa'min ng lalaki.
"Kilala mo?" tanong nito kaya nagrolyo ulit ako ng mata. Ewan ko ba! Tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya naiirita ako.
"Hindi! Pero pamilyar ang mukha niya..."
"Spaghetti," saad nito kaya kumunot ang noo ko ngunit kalaunan ay napa-awang ang aking labi.
"Ay, oo! Ikaw nga!" Siya 'yong lalaking nagbigay sa'kin ng spaghetti, akala niya kasi pulubi raw ako na na-iinggit sa mga batang kumakain ng spaghetti. Tinitignan ko kasi ang bata kaya napagkamalan niyang na-iingit ako, pero ang totoo ay napatulala lang ako no'ng time na 'yon.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.