Chapter 37

27 3 0
                                    

"This organization, I want to keep as a secret at wala dapat ang makaalam nito, huwag na huwag mong sasabihin sa iba kahit sa pamilya mo pa. Understand?" seryoso nitong saad.

Kagat-labi akong tumango. "Understand." Nabasa ko na rin ang rules at hindi naman mahirap sundin. Napasandal ako sa upuan at buamgsak ang aking paningin sa papel kung saan naroon na ang aking pirma.

Pinagsiklop nito ang kaniyang kamay at mariin akong tinignan. "What do you want to hear first?" tanong nito.

Pinaglaruan ko ang kamay ko at lumunk. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Natatakot akong malaman ang totoo kong ama.

Suminghap ako ng hangin. "Bakit ka naghihiganti?" tanong ko.

Gumalaw ang kilay nito at napatingin ako sa kamay niyang kumuyom. Nang mag-angat ako ng tingin sa kaniyang mata ay nabigla ako nang para itong nagliliyab sa galit.

"He is the reason why I suffered from the past, pinabayaan niya ako at kinalimutan pagkatapos makuha ang kapangyarihang gusto niya. Kaya heto ako ngayon, makapangyarihan na rin katulad niya at gusto ko siyang pabagsakin," malamig nitong saad at matalim ang titig sa sahig.

Tinikom ko ang aking labi at nanliit ang aking mata. "Kaano-ano mo si Uncle?" mahina kong tanong at natikom ko ang aking labi nang matalim niya akong tinignan.

Sabi ko nga eh, hindi na ako magtatanong.

"He is special to me, pero nakaraan na 'yon. I hate him so much that I wish that he was dead," bahagya siyang na-utal at hindi nakatakas sa'kin ang pagkibot ng kaniyang labi at panunubig ng kaniyang mata.

Tumingala siya at huminga nang malalim. "Damn that, asshole," bulong nito.

Limang minuto ko siyang pinamasdan and biglang may nabuo sa'king isip. So, it means may past silang dalawa ni Uncle? Napa-awang ang aking labi pero agad ko iyong tinikom nang tignan niya ako nang masungit na tingin.

Maya-maya ay nagsalita siya. "Gusto mong malaman kung paano ako napunta rito?"

Tipid akong tumango.

Tumayo siya at nagtungo sa gilid ng kaniyang office at binuksan ang sliding door patungo sa veranda. Sinundan ko siya.

Humilig siya sa railings at pinagmasdan ang mga sasakyang dumaraan. Hindi na rin masyadong mainit ang sikat ng araw, umihip din ang malamig na hangin.

"I married a secret agent who manage this organization, but later on namatay siya because of accident," kuwento nito at mapait siyang napangiti.

Para namang kinurot ang puso ko sa kaniyang sinabi. "I'm sorry to hear that, miss." At malungkot akong ngumiti. Nilingon ko siya at palihim nitong pinunasan ang gilid g kaniyang mata. "Uhm, wala ba kayong anak?" tanong ko at nadismaya ako nang umiling siya.

"Hindi kami nagkaanak because of some reason and my anak ako pero hindi siya ang ama," she said sabay lingon sa'kin.

Nang marinig 'yon ay naglaglag ang aking panga. "What?" gulat kong saad.

"But unfortunately, nawalay sa'kin ang anak ko."

"Ang gulo..." bulong ko.

"You're right. Sobrang gulo ng buhay ko. And until now, I'm still finding my daughter."

Tumango ako. "Sana mahanap mo siya." At tipid akong ngumiti.

Natahimik kami saglit. "How about you? Bakit ka nakatira sa Uncle?" tanong nito kaya napataas ang aking kilay.

"I thought you already know that," sarcastic kong saad at ngumisi.

Natawa siya at bahagyang umirap. "Silly."

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon