Humihingal na bumagsak si Joaquin na ngayon ay may damit na. Samantalang si Cid ay nagpapahinga.
"Tapos na?" tanong nito at hindi ko alam kung sino ang kausap niya dahil nakatingala siya sa taas.
"Ha?"
Walang emosyon niya akong nilingon at bahagyang nginuso ang katabi kong si Cid. Ah... Napatango na lang ako.
"Ako naman," mahina nitong saad na hindi ko masyadong naintindihan.
Inis akong napakamot sa'king ulo. "Ano ba kasi 'yon?" tanong ko at pinipigalang mainis.
"Gamutin mo ako," iritado nitong saad.
Wow, ha. Kung maka-utos!
"Disabled ka na ba?" inosente kong tanong at inaasar siya.
"Napagod ako at bakit siya ginamot?" kunot-noo nitong saad.
"Syempre. Siya ang napuruhan." At bahagya akong nagrolyo ng mata. Nagdugtong naman ang aking kilay nang may kung ano-ano siyang binubulong.
Bumuntonghininga na lang ako at lumapit sa kaniya. "Malayo naman sa bituka ang mga sugat mo, eh."
"Ganoon din naman 'yong kay Acid," sagot pa nito kaya inis kong binudburan ng alcohol ang mga sugat nito.
Agad namang gumuihit ang hapdi at kirot sa kinayang mukha. Sinamaan pa niya ako ng tingin pero inirapan ko lang siya. Dahil na rin sa inis ay kulang na lang isaksak ko na ang bulak sa kaniyang sugat.
"Tapos na."
"Thank you." At bahagya itong ngumiti.
Habang ako naman ay napatigil at ang inis ko kanina ay biglang nawala nang masilayan ang kaniyang ngiti. Agad kong inalog ang ulo ko at inirapan siya. Akala niya siguro madadala niya ako sa pangiti-ngiti niya.
"Bakit ka naiinis?" medyo natatawa nitong tanong sa'kin.
Hindi naman matanggal ang pagkakakunot ng aking noo. "Sino ba naman ang hindi? Bakit kasi kayong dalawa pa ang maglaban, nagakasakitan tuloy kayo. Bakit ka naman kasi pumayag pa?" inis kong saad.
"Gusto ko ring makipag-suntukan, eh. Anong magagawa ko?" At ayon, sumilay na naman ang nakamamatay nitong ngiti.
Humugot ako ng hangin at pumikit. Kalmahan mo, Yadah!
"Tss."
"Dapat pinigilan mo kami kanina, para sa gan'on tatanggihan ko ang alok niya. Hindi ko naman alam na ayaw mo pala ng ganito," saad nito at tumitig sa'king mata.
Nawala ang kunot ng aking noo at parang umaliwalas ang aking mukha. Feeling ko rin ay lumulutang ako sa ere. Palihim kong kinurot ang aking palad para makabalik ako sa'king huwisyo. Kung ano-anu na ang nangyayari sa'kin!
Pinili ko na lang na tumahimik dahil wala na akong salita na masabi. Hanggang sa oras na para umuwi ako. Tumayo na ako at tinalikuran sila. Hindi pa man ako nakakaabas sa pintuan nang may humawak sa'king braso na ikinabigla.
Takha ko itong nilingon, bumuntonghininga ako nang si Joaquin lang pala 'yon.
"Bakit?" mahinahon kong tanong.
"Hatid na kita," presenta nito at bahagyang ngumiti.
Napakurap ako at nag-iwas ng tingin. Pumayag na ako at hindi na tumanggi dahil mamaya kung ano na naman ang nag-aabang sa'kin sa eskintang iyon. Tipid akong ngumiti.
Sabay kaming naglakad at agad na bumalot ang katahimikan sa'ming pagitan. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan.
"Yadah," sambit nito.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.