Chapter 6

70 7 1
                                    

Kaya sa buong pagkain namin ay nagpapasubo ang dalawa. Hindi niya na rin napapakain ang sarili dahil abala ito sa pagpapakain sa kambal. Nagui-guilty ulit ako... Dapat akong ang gumagawa niya kasi ako ang ate pero anong magagawa ko kung ayaw nila sa'kin?

Psh.

Pagkatapos naming kumain ay nilaro-laro niya lang saglit ang kambal at mabilis din siyang nagpaalam dahil mayroon pa raw siyang importanteng pupuntahan. At doon ay nakita ko ulit ang caller ID na tumatawag sa kaniya. Mukhang mahalaga 'yong pupuntahan niya dahil nagmamadali.

Bumuntonghininga ako at nabuhay muli ang pagiging curious ko sa katauhan ni Joaquin. Pinaghalong duda at pangamba ang aking nararamdaman tuwing sumasagi ang kaduda-duda nitong kilos pati ang pagtatanong nito kanina kung saan nagmemeet up ang nagbebenta at bumibili ng drugs.

Sinagot ko naman kasi bilang partner ko siya sa pagtitinda ay kailangan niya ring malaman.

Pagsikat ng araw ay dumeretso na agad kung saan ako nagtratrabaho. Pagpasok ko pa lang ay pinatawag agad ako ng boss. Napansin ko rin na wala pa si Joaquin.

"Bakit po?" tanong ko nang ma-isara ang pintuan ng kaniyang opisina.

Nanliit agad ang aking mata nang may nakalapag na pakete ng party drugs sa mesa nito. Alam ko na kung ano ang ibig-sabihin nito.

"Malapit sa university. May eskinita roon at mamayang hapon," maikli nitong saad kaya tumango ako.

"Yes, boss!" Kinuha ko na ang paketeng iyon at ibinulsa sa aking jacket.

Akmang tatalikod na sana ako nang magsalita ito.

"Isama mo si Joaquin."

"Noted po!" Ihahakbang ko na sana ang aking paa nang tawagin nito ang aking pangalan at  napatigil talaga ako.

"Yana Dahlia," sambit nito na nagdulot ng pagtaas ng aking balahibo.

Mabagal ko siyang hinarap ngunit nanatili pa rin siyang nakatalikod. Bahagyang kumunot ang aking noo. "P-Po?"

"Humighinga pa ba si Beth? Nabalitaan kong mayroon daw siyang sakit," saad nito na mas lalong ikinanuot ng aking noo.

"Oo naman boss. Bakit niyo naman natanong?"

"Sa bagay, matagal mamatay ang isang damo," bulong nito kaya kumunot ang aking noo.

Imbes na sagutin ang aking tanong ay nagtanong ulit siya sa'kin.

"Eh ang magulang mo? Nahanap mo na?"

Sa sinabi niyang iyon ay awtomatikong nagbago ang aking emosyon. Hindi ako sumagot at kumuyom ang aking kamao.

Naiinis ako sa kanila. Sila ang dahilan kung bakit ako napasaok sa ganitong trabaho. Kung sana hindi nila kami iniwan nang basta-basta, hindi ako magtratrabaho sa ganitong lugar at sa ganitong paraan. Ang dating pag-asang babalikan nila kami ay nawala na. Hinding-hindi na ako umaasa, nasabi ko rin sa kambal na patay na ang aming magulang.

"Hindi mo ba hahanapin?" tanong nito.

Umiling ako. "Nagsasayang lang ako nang oras kung hahanapin ko sila," walang emosyon kong saad.

Rinig ko ang bahagyang pagtawa nito.

"Makikilala mo rin sila, malay mo nasa paligid mo lang," makahulugan nitong saad.

Umalis na ako habang mabibigat ang aking yapak. Nagbago bigla ang mood ko. Nakaka-badtrip!

Magkadugtong ang kilay ko nang bumaba ako. Nang makita si Acid ay agad ko siyang nilapit. Pabagsak akong umupo sa couch na inuupuan nito.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon