"J-Joaquin!" Mabilis akong tumakbo palapit sa kaniya at sinalo ang kaniyang mukha. "Hey," nanginginig kong bulong.
"Y-Yadah," usal nito at nginitian ako.
Napapikit ako at dahan-dahan siyang hinatak palapit sa pader upang hindi siya matamaan ng bala. Habang abala namang nakikipagpalitan ng bala si Acid sa pulis.
"Makinig ka sa'kin," aniya kaya napatingin ako sa kaniya. "Umalis na kayo..." bulong nito kaya tumalim ang tingin ko.
Umiling ako at hinubad ang suot niyang denim jacket. Napakagat ako sa'king labi nang makita ang tama nito sa likod, maraming dugo ang lumalabas at hindi ko alam ang gagawin, bumaba rin ang tingin ko sa hita nitong dumudugo.
Nang dahil sa halong-halong emosyon ay hindi ko mapigilang huwag tumulo ang luha. Natatakot ako, hindi para sa'kin kundi kay Joaquin. Maaari niyang ikamatay kapag marami nang dugo ang nawala sa kaniya.
"Kailangan ka naming idala sa hospital," utal-utal kong saad at itanapal ang kaniyang jacket sa likod nitong dumudugo.
Napadaing si Joaq at kitang-kita ko ang sakit at paghihirap sa kaniyang mukha, namumutla na rin siya.
"Shit."
"Please, iwan niyo na ako rito. Hindi ako mamamatay, okay?"
At hindi ko nagustuhan ang kaniyang ngiti.
"Yadah, tara na! Pa-ubos na ang bala!" rinig kong sigaw ni Acid at hinawakan ang balikat ko.
Napapikit ako at umiling, pinunasan ang aking luha. Niyakap ko si Joaq. "Hindi kita kayang iwan..."
"Makukulong ka kapag hindi mo ako iniwan, tumakas ka na!"
"Wala akong paki alam," madiin kong saad.
Mariin siyang pumikit at sinulyapan nito si Acid.
"Joaq," naiiyak kong sambit at umiling ako.
"Alis na!" taboy nito at tila nahihirapan na.
"Joaquin!" sigaw ko nang maramdaman kong umangat ako sa ere at buhat-buhat na ako ni Acid. "Ibaba mo ako!" At sinampay ako nito sa kaniyang balikat na paranf bigas.
Napahagulgol ako nang ngumiti siya sa'kin. "I love you," he mouthed kaya lalo akong umiyak at ilang segundo ay unti-unting sumara ang talukap ng kaniyang mata.
Umawang ang labi ko at tumigil sa pagpupumiglas para bumaba at tuluyan na rin akong nanghina. Hanggang sa unti-unti na kaming lumalayo at hindi ko na siya makita. Binaon ko ang ulo ko sa likod ni Acid at doon humagulgol.
"Nakahanda na ba ang gamit mo?" rinig kong tanong ni Papa.
Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang nasa labas ng bintana. Hindi ako sumagot at ramdam ko ang paglapit niya sa'kin hanggang sa tumayo ito sa'king gilid. Marahan nitong hinaplos ang aking likod at para niya akong ina-alo.
"Wala akong makuhang impormasyon tungkol sa kaniya, ngunit alam kong nasa mabuti siyang kalagayan," saad nito at mabilis na tumulo ang luha sa'king mata. Mabilis ko 'yong pinunasan.
"Ang kailangan nating gawin ngayon ay umalis. Hindi man nila alam ang tunay kong pagkakakilanlan ngunit kailangan nating magtago," seryoso nitong saad. Bumuntonghininga siya. "I-uutos ko na lang sa iba at sila na ang maghahanda sa iyong gamit. Magpahinga ka muna." At humalik ito sa gilid ng aking noo at umalis.
Kinabukasan nang madaling-araw ay umalis na kami, ang alam ko ay sa norte kami magtutungo dahil mayroong bahay at lupang binili roon si papa. Sa gitna ng byahe ay biglang tumawag si mama.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.