Chapter 12

48 6 0
                                    

Wala na akong nagawa kaya tumalikod na ako at lumabas. Bumuntonghininga ako at laylay ang balikat kong nagtungo sa bar counter. Umupo ako sa isang high chair at humilig doon.

Masyadong nabitin ang kuryusidad ko, hindi pa ako satisfied sa'king mga nalaman. Kulang! Nakaka-inis.

"Problemado ka yata, Yadah?" panunuyang saad n'ong bartender at ngumisi.

Bahagya akong ngumuso at unti-unting tumango.

"I-shot mo na 'yan!" humalaklak ito at ilang segundo lang ay inabutan niya na ako ng alak.

Huminga ako nang malalim at akmang aabutin ko na sana iyon nang may isang kamay ang tumapik sa'king kamay at inunahan akong kunin ang shot glass.

"Umagang-umaga," malamig nitong sambit at seryoso akong tinignan bago tinungga ang alak.

Laglag ang aking panga at nangunot ang aking noo. "Umagang-umaga pero ininom mo naman," sarkastiko kong saad at umirap sa ere.

"Tss." At naupo siya sa'king tabi.

No'ng isang araw pa siya nagsusungit sa'kin! Hindi ko naman mahulaan kung anong problema niya. Minsan nga naiisip kong may dalaw siya. Bumuntonghininga na lang ako.

"Yadah... May problema ka ba?" tanong niya ngayon sa mahinahong tono.

"Hindi," deretso kong sagot at tumitig sa kaniyang nagtatanong na mata. "May alam si Boss tungkol sa'king magulang pero... bakit ayaw niyang sabihin sa'kin ang lahat?" tanong ko sa kawalan habang nakatitig sa kaniya.

Kumurap ito at nagkibit-balikat. "Sasabihin niya rin siguro, naghahanap lang siya ng tamang tyempo," aniya at bahagyang ngumiti. "Maghintay ka na lang, pero kung hindi mo mahintay. Kulitin mo si Boss." At ngumusi ito kaya napa-irap ako.

"Oo, para ang baril ang magpapatigil sa'kin," sarkastiko kong saad. Alam ko na kaya si Boss. Ayaw niya ng makukulit.

Humagalpak na lang siya sa tawa. "Hindi niya naman 'yon gagawin sa'yo," sambit nito at inangat ang dalawang kilay.

"Paano ka naman nakakasiguro?" taas-kila kong tanong.

"Basta, hinala ko lang." Napangisi siya. "Any—" biglang naputol ang kaniyang sasabihin dahil biglang sumingit ang hinihingal na si Acid.

"Bakit?" takha kong tanong.

Suminghap muna ito ng hangin bago nagsalita. "M-May naghahanap sa'yo sa baba," aniya at napahawak pa sa kaniyang dibdib.

Bahagyang kumunot ang aking noo. "Sino?"

Mabilis akong umalis doon at deretsong lumabas. Nang makita ko pa lang ang saskayang naka-park doon ay alam ko na kung sino iyon. Nakasandal sa kaniyang kotse si Ravi habang ngingisingising nakatingala kaya sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Teka. Sa bandang opisina 'yon ni Boss, ah? Tapos 'yong ngisi niya parang nang-aasar. Inilipat ko ang paningin ko sa kaniya at ang mukha niyang nakangisi kanina ay biglang umamo. Parang naging anghel ang kaniyang mukha dahilan para mapalunok ako.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko at lumapit sa kaniya.

"Uhm... Na-bored ako sa bahay kaya pinili ko na lang na pumunta rito," aniya na bahagyang ikinalaki ng mata ko.

Ano? Hindi ba siya aware kung anong klaseng lugar ito?

"Ravi, alam mo ba kung anong klaseng lugar kung nasaan ka ngayon?" seryoso kong tanong at mabilis naman siyang tumango at ngumiti.

"Pugad ng mga masasama," bulong niya kaya kumunot ang aking noo.

"Ano?"

Umiling ito. "Yeah? Dito ka nag-wowork 'di ba?"

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon