"Hindi ba magagalit si Boss kapag ginalaw natin 'yan?"
"Mukhang bata pa. Sayang naman kung mamamatay lang ito na hindi natin natitikman."
"Mga ulol! Sinabing huwag paki-alamanan eh. Gusto niyo bang mamatay?
Nagising ako nang makarinig ng bulungan. Napa-ungol ako nang gumalaw ako ngunit hindi ko ma-igalaw ang aking kamay. Ang higpit. Dahan-dahan akong nagmulat, ngunit sobrang dilim ng paligid. Napakurap ako at hinayaan munang masanay ang aking paningin sa dilim.
Mayroon namang liwanag na pumapasok ngunit malayo iyon sa aking pwesto at sobrang liit na bintana lang iyon. Napalunok ako, nanunuyot na rin ang aking lalamunan. Bumaba ang tingin ko sa'king katawan, buo pa ang damit ko ngunit nakagapos naman ang makapal na tali sa buong katawan at ang likod ko ay nakasandal sa isang poste.
Napapikit ako at pinilit makawala ngunit sadyang mahigpit ang pagkakatali sa akin. Nanghihina akong napayuko at bumuntonghininga. Kumabog naman nang malakas ang puso ko nang pumasok sa isip ko ang hinala na baka siya... ang nagpadakip sa'kin. Paano niya iyon nagawa sa'kin? Lumamlam ang mata ko at kahit hindi ko pa man napapatunayan na siya nga ay labis na ang kirot ng aking puso.
Ngunit agad din akong nag-angat ng tingin nang makarinig ng pagbukas ng pintuan at kasunod n'on ang yapak ng mga paa. Pilit akong sumilip sa likod ng poste ngunit hindi ko magawa. Argh!
Tatlong lalaki ang tumigil sa'king harapan. Nanliit ang mata ko at pinakatitigan sila. Hindi sila pamiliar sa'kin.
"S-Sino kayo?" tanong ko kahit wala nang tunog dahil sobrang tuyot ng aking lalamunan.
Hindi nila sinagot ang tanong ko. Samantalang seryoso lang silang nakatingin sa'kin.
"Puwedeng humingi ng tubig?" mahina kong saad.
"Kumuha ka!" sigaw n'ong lalaking nasa gitna at sumunod naman 'yong isa.
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingala sa kanila. Hinintay ko ang lalaki at maya-maya lang ay may dala na itong isang litro ng tubig. Dahan-dahan niya iyong inilapit sa'king bibig at ipinapa-inom. Agad ko iyong ininom at dahil sa uhaw ay halos maubos ko na ang laman n'on.
"S-Salamat—" Napatigil ako nang ibuhos ng lalaki ang natirang laman ng tubig sa'king ulo. Suminghap ako at kumuyom ang kamao.
Napangisi sila.
"Salamat pa rin dahil naibsan ang init na nararamdaman ko," saad ko at sarkastikong ngumisi. Mainit dito sa kinalalagyan ko, tila wala ring hangin ang pumapasok kaya buti na lang at binuhusan nila ang ng tubig. Para akong halaman na nadiligan.
"Ano na ulit ang pangalan ng babaeng 'to?"
"Yadah, boss," sagot ng isa.
Kumunot ang noo ko at tinitigan ang tinawag nilang boss. "Ikaw ang nagpadukot sa'kin?" tanong ko at sinuyod ang katawan nito. Sobrang payat pero bumawi naman sa tangkad, habang ang dalawa niyang kasama ay parang minions, maliit na mataba. Ngumiwi ako.
Hindi naman sila mukhang nakakatakatakot, kabaligtaran nga ng nararamdaman ko eh. Gusto kong matawa. Napangisi ako.
"Hindi. At hindi rin namin alam kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siya. Ang bilin niya ay bantayan ka at huwag galawin," saad nito at malokong ngumisi.
Napataas ang kilay ko. "Sino ba ang tunay niyong boss?"
"Secret." At natawa sila.
"Tss. Bakit niyo ba kasi ako kinuha?"
Sabay-sabay naman silang nagkibit-balikat. The hell?!
"Ewan. Inutusan lang kami, eh. Teka, bakit ba ang dami mong tanong?!"
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.