Chapter 35

32 1 0
                                    

"Hey, are you okay? Kanina ka pa wala sa sarili," tanong ni Joaquin at hindi nakatakas sa'kin ang kaniyang nag-aalalang tono.

Kanina pa kami naglalakad-lakad dito at wala talaga ako sa'king sarili.

Bumuntonghininga ako. Tiningala ko siya at ngumiti. "Okay lang. Inaantok lang ako," dahilan ko.

Pero sumeryoso ang mukha nito, hindi kumbinsido sa'king dahilan. "Tell me, may nangyari ba?" tanong nito kaya napatitig ako sa kaniya.

Gan'on ba ako ka-ovbious o sadyang kilalang-kilala niya lang talaga ako. Napakagat ako sa'king labi at umiling. "Wala talaga." At umupo ako sa malapit na bench.

Nanatili siya sa'king harapan kaya tiningala ko siya. Nakatitig lang ito sa'kin hanggang sa bumuntonghininga siya at umupo sa'king tabi.

"Alright. Take a nap then. I know pagod ka na," sabi niya at tinapik ang kaniyang balikat.

Huminga ako nang malalim at marahang sumandal sa kaniya at napapikit ako nang umihip ang marahang hangin.

"Yadah."

"Hmm?"

"Puwede mong sabihin sa'kin ang nasa isip mo, alam mo 'yan," saad nito kaya marahan akong tumango.

"Gusto mo kantahan kita?" alok nito kaya nagmulat ako ng mata.

"Marunong kang kumanta?" gulat kong tanong at umalis sa pagkakasandal sa kaniya.

Bahagya siyang napanguso. "Akala mo hindi ako marunong, ha? Ganda kaya ng boses ko," pagbubuhat nito ng bangko.

Natatawa na lang ako at muling sumandal. "Then kantahan mo nga ako," hamon ko rito.

He chukled while gently stroking my hair. Napapikit ako nang magsimula siyang kumanta.

"I remember what you wore on the first day

You came into my life and I thought, hey

You know this could be something

'Cause everything you do and words you say

You know that it all takes my breath away

And now I'm left with nothing"

Napakagat ako sa'king labi habang pinipigilang mapangiti. Ang ganda ng boses niya, para akong hinehele. At sa bawat bigkas niya sa lyrics ng kanta ay bumabalik ang ala-ala kung saan una ko siyang nakita.

"Maybe it's true

That I can't live without you

And maybe two is better than one

There's so much time

To figure out the rest of my life

And you've already got me coming undone

And I'm thinking, ooh

I can't live without you

'Cause, baby, two is better than one"

Wala akong ideyang papa-ikutin niya nang gan'to ang buhay ko.

Nakatulong ang kaniyang pagkanta hanggang sa tuluyan na akong hilain ng antok.

Pagmulat ng mata ko ay ang sarap ng pakiramdam ko. Gan'to pala ang pakiramdam na kinantahan bago matulog. Napangiti ako at dahan-dahang umalis sa kaniyang dibdib. Nilingon ko siya at nang magtama ang mata namin ay agad gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.

"How's your sleep, hmm?" agad nitong tanong.

"Maganda! Kaya bumalik na naman ang aking sigla." Tumayo ako at nilingon siya habang suot ang malaking ngiti.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon