Chapter 2

122 10 1
                                        

“'Yan si Shannon, ang pinaka-exclusive na stripper dito. Ni hindi 'yan pwedeng hawakan, hanggang tingin ka lang kumbaga,” sambit ko at natawa habang nailing lang ang katabi kong lalaki.

“Pero totoo! Virgin pa 'yan,” bulong ko at humalukipkip.

Natahimik kaming dalawa at tanging malaswang tunog ang naririnig habang sumasayaw sa gitna ng entblado si Shannon na tanging suot lang ay puting bestida na see through. Sa katuyan nga, eh mas maayos ang suot niya kaysa sa mga ibang stripper na kita na talaga ang buo nilang kaluluwa.

Binansagan nga siyang ‘The Exclusive Stripper.’ Paano ba naman kasi? Ang perpekto ng hubog ng kaniyang katawan, idagdag pa ang nakapaganda niyang mukha at ang kutis niyang porcelana.

"Sino 'yan?" biglang sulpot ni Acid sa'king gilid na nakapag-paigtad sa'kin.

Lagi na lang siyang sumusulpot kung saan-saan! Bahagya akong ngumuso at nagrolyo ng mata sa kaniya.

"Bagong trabahador dito," tamad kong saad at bumuntong-hininga.

Kita ko ang pagtaas ng kilay nito sabay pasada sa kabuoan ni Joaq. Pati siya ay parang nagdududa rin. Napangiwi na lang ako.

"Sus. Mag-ingat ka, Yadah. Baka pulis pala ang isang 'yan," bulong sa'kin ni Acid kaya bahagya akong natawa.

"Pa'no naman 'yon mangyayari?"

"Shunga. Uso ang disguise-disguise ngayon," saad nito at hindi nakatakas ang pagsama ng tingin kay Joaq.

"Grabe ka naman, Cid! Napaka-judgmental mo."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Kaya kung ako sa'yo, mag-ingat ka," saad niya at na-upo sa isang bakanteng high chair sa'king tabi.

Hindi na ako nakasagot sa kaniya at may parte rin sa'kin na nagsasabing, 'pa'no kung totoo 'yong mga sinabi niya?'

Palihim kong nilingon si Joaq na nakatulala sa kung saan at tila malalim ang iniisip. Napa-iling na lang ako. Kaduda-duda rin naman kasi siya, kasi hindi mapaghahalata na isa siyang hampas lupa na kagaya namin. Ang linis-linis niyang tignan. Ibinalik ko na ang tingin  sa basong wala nang laman, napatitig na lang ako roon at medyo nahihilo na rin ako.

Light lang 'yon, a, pero ang lakas nang tama sa'kin.

Natapos na ang tugtog at gan'on din si Shannon. Umalis na ito sa entablado at nagtungo sa likod. Napalingon ako kay Joaq nang tumayo na ito kaya napatayo na rin ako.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nito sabay lingon sa'kin. Medyo namumula na ang maputi nitong mukha.

"Uuwi na."

"Gusto mong ihatid kita?" bigla nitong saad at ngumisi.

Kumunot ang aking noo. Lasing na ba ang isang 'to?

"Hindi na. Malapit lang naman ang bahay namin dito," agap ko at tipid na ngumiti.

"Tss. Ang dami kayang masasamang loob dito. Paano kung mapahamak ka?"

Hindi ko alam ngunit sa sinabi niyang iyon ay natawa ako. Hindi niya ba alam na lahat ng mga masasamang loob dito ay tropa ko? Hindi nila ako kayang galawin 'no.

"Hindi ako mapapahamak dahil kaibagan ko ang mga 'yon," saad ko.

Ewan ko pero nang sabihin ko 'yon ay unti-unting naglaho ang ngisi nito at napalitan nang tipid na ngiti.

"Oh, sige. Baka ako pa pala ang mapahamak dito," natatawa nitong saad kaya napangisi lang ako.

"Psh. Ikaw na lang ang ihahatid ko," presenta ko. "Saan ka ba?"

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon