"Sabay na tayong pumasok," saad ni Joaq pagkatapos kong magpalit.
Naka-upo siya sa kahoy naming upuan sa sala habang kandong ang dalawang makukulit. Tumango ako at tipid na ngumiti.
"Okay, kids. Mamaya na lang ulit, hm? Magtratrabaho lang kami ng ate niyo," malumanay na saad nito sa dalawa. Habang ang kambal ay mabilis na tumango.
"Okay, kuya. Basta ba agahan niyong umuwi?"
"Sure!"
"Yehey!" sabay nilang saad habang kumikinang ang mga mata. At nabigla ako sa sumunod na ginawa ni Dana.
Mabilis itong humalik sa pisngi ni Joaq at yumakap. Napa-awang ang aking labi at medyo hindi makapaniwala sa nakita. Mabagal kong inilipat ang tingin kay Joaq na ngayon ay tulala sa kawalan.
Napanguso na lang ako at napatingin kay Dana nang senyasan niya akong lumapit sa kanila. Kaya kahit nagtataka ay naglakad ako palapit sa kanilang tatlo. Nabigla na lang ako nang hatakin ako ng dalawa para yumakap.
Agad nanlaki ang mata ko nang malapit nang magdikit ang mukha namin ni Joaq kaya medyo lumayo ako ng kunti. Kung hindi ko lang talaga mahal ang dalawang 'to. Bumontong-hininga na lang ako at niyakap sila pabalik at naramdaman ko rin ang pagyakap ni Joaq na umabaot hanggang sa aking likod. Bali nasa gitna namin ang dalawa.
"'Sus! Para na kayong isang pamilya," biglang saad ni lola kaya agad akong napalayo at dumertso ng tayo. Hindi naman matanggal ang ngisi nito.
Tumikhim ako para agawin ang kanilang atensyon. "Kailangan na naming umalis," saad ko at lumuhod sa harap ng kambal. "Aalis na kami. Pakabait kayo, okay?" malumanay kong saad at hinaplos ang kanilang pisngi.
Ngumiti sila at tumango-tango. "Opo, ate, basta umuwi rin kayo agad."
"Oo naman, promise!" Ngumiti ako bilang paninigurado.
"Ingat, ate!" At sabay nila akong hinalikan sa pisngi kaya napahagikhik ako.
Pagkatapos ay lumapit ulit sila kay Joaq at kumapit sa kaniyang paanan. "Ingat, kuya!" Yumuko si Joaq para mahalikan din siya sa pisngi.
"Thank you, babies! Don't worry, ligtas kong iuuwi ang ate niyo. Ako ang bahala," ngumisi ito at kumindat.
Napahagikhik naman ang dalawa. Napangiwi na lang ako.
"Siya, siya, tama na 'yan!" awat ko dahil hindi na humiwalay ang dalawa sa magkabilang binti ni Joaq. "Alis na kami para maaga kaming uuwi mamaya," seryoso ko nang saad at nang makita na nila ang aking mukha ay dahan-dahan na silang humiwalay sa lalaki.
Good. "Huwag pasaway kay lola!" bilin ko nang makalabas na ako ng bahay.
"Opo!"
Tumango na lang ako at nginitian sila. Lumabas na rin si Joaq habang ang kambal ay nasa pintuan lang habang kumakaway sa'min. Nagpaalam na kami habang si Joaquin ay hindi matanggal ang ngiti.
Naglakad na kami palayo sa bahay at hanggang sa hindi na namin marinig ang boses ng kambal. Itinago ko na ang dalawa kong kamay sa bulsa ng denim jacket kong suot.
Tumikhim si Joaq kaya naagaw nito ang aking atensyon.
"Mahal na mahal mo talaga pamilya mo 'no?" saad ni Joaq habang deretsong nakatingin sa daan.
Tumango ako. "Oo naman!"
Mapait itong napangiti at napayuko. "Swerte nila dahil kahit gaano kahirap ang buhay ay may ate'ng nagmamahal sa kanila," saad nito habang hindi maitago ang pait sa kaniyang tono.
Napabuga na lang ako ng hangin. "Nas'an ba pamilya mo?" tanong ko at nilingon siya.
"Nasa bahay kaso parang hindi anak ang turing nila sa'kin," saad nito at natawa. Alam ko namang isang pilit na tawa lang iyon.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.