Chapter 8

60 4 0
                                    

"Tara, libutin natin ang buong campus!"

Hindi pa man ako nakakabawi sa nangyari ay mabilis na niya akong hinatak papunta kung saan. Halos mangudngod na ako sa semento dahil ang bilis niyang maglakad, para na nga siyang tumatakbo, eh.

Hingal na hingal ako nang tumigil kami sa harap ng isang mataas na building.

"Ano—" hindi ko pa man natapos ang aking sasabihin ay muli niya akong hinatak paakyat sa hagdan. Mahina akong napamura nang matisod ako.

"Sorry!" sambit nito nang lumingon sa'kin habang ngiting-ngiti.

Nagrolyo lang ako ng mata at nagpatuloy sa paglalakad.

"Saan ba tayo pupunta?" medyo inis kong tanong nang lumiko kami sa isang hallway.

"Secret," wika nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kidding. Sa roof deck." Sabay turo taas.

Tumango na lang ako at sinundan siya. Hanggang sa bumungad sa'kin ang malawak na roof top. Bahagyang umawang ang aking labi nang makita ang tanawin mula rito. Halos kita ko na ang kabuoan ng campus.

May malawak na field, garden, court at mga iba't ibang building! Idagdag pa ang mga studyante na palakad-lakad. Itinukod ko ang aking siko sa railings at pinagmasdan ang mga iyon.

Parang kumirot ang aking puso nang maalala muli ang aking estado. Nagbaba ako ng tingin at nanlaki ang mata ko nang malula ako sa taas namin. Kung tatalon ako rito siguradong patay ako. Pinaglaruan ko ang aking daliri hanggang sa maramdaman ko ang presensya ni Joaquin sa'king tabi.

"Ang ganda 'no?" tanong nito at ginaya rin ang aking posisyon. Deretso ang tingin sa buong campus.

"Mm." Bahagyang akong tumango at bumuntonghininga. "Joaquin," tawag ko sa kaniyang pangalan at deretsonng tumitig sa kaniyang mata. Kasabay n'on ang pagpintig ng aking  puso.

Bahagyang tumaas ang kilay nito. "Yes?"

"Buti naman at pinayagan tayong pumasok dito," sambit ko at mabilis na nag-iwas ng tingin dahil ang lalim niya kung makatingin.

"Uhm. Let's say, I have many connections," saad nito at bahagyang ngumiti.

Tinaasan ko siya ng isang kilay kaya natawa siya.

"Oo nga!" aniya kaya nailing na lang ako.

Parang may dumaang anghel dahil bigla kaming natahimik. Tanging paghinga lang namin ang naririnig. Napatulala na lang ako kung saan habang mangha-manghang pinagmamasdan ang buong lugar.

Hindi ko maitatangging ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kagandang university. High school lang ang natapos ko kaya gan'to ako kasabik.

"Yana Dahlia," sambit nito na nakapagpatigil sa'kin.

Nilingon ko siya at napakurap. "Saan mo nakuha ang pangalan ko?" At kumunot ang aking noo.

"Kay boss." At ngumisi siya with matching taas-baba ang kilay.

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Kung sakaling mag-aaral ka rito, anong kurso ang kukunin mo?" seryoso nitong tanong pero bahagyang nakangiti.

Napatitig ako sa kaniya at napa-isip. Hanggang sa unti-unting gumuhit ang ngiti sa'king labi.

"Mahilig ako sa mga bata kaya teacher. Gusto kong turuan 'yong mga pre-school," saad ko at sinserong ngumiti.

Binunggo nito ang aking balikat kaya natawa ako. "So, can I call you Teacher Yadah?" aniya at gumuhit ang ngiti nitong nakakapag-painit sa'king pisngi.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon