Chapter 25

36 6 0
                                    

"Ha!" Agad akong napatakip sa'king bibig. Parang slow motion ang pagsuntok ni Joaquin kay Rav at sa sobrang lakas ay bahagya itong lumipad at humandusay sa sahig.

Walang kurap akong napatingin sa kanila. Unang suntok pa lang iyon ni Joaq... Sinulyapan ko si Rav na nakahiga habang mayroong ngisi sa labi.

"Tumayo ka!" sigaw ko at hindi ko alam kung narinig niya ba ako dahil mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga nanonood, pero maya-maya lang ay unti-unti siyang tumayo.

Nakahinga ako nang maluwag at bumalik sa pagkaka-upo. Nagngingit-ngit na ako sa kaba rito dahil ni hindi man lang dumapo ang kamao ni Ravi sa mukha ni Joaq. Marahas akong napahilot sa'king noo. Kung tumanggi na lang kasi siya hindi pa siya magkakaroon ng sugat at pasa. Psh.

Humalukipkip ako at walang buhay silang pinapanood. Kahit papaano ay nakakabawi na rin si Rav pero mas lamang pa rin si Joaq. Sugat-sugat na ang kanilang mukha at ang katawan ay namumula na rin. Sakit ng katawan talaga ang hanap ng dalawang 'to, habang pinapasakit naman nila ang ulo ko. Kung sila wala silang paki at hindi nangangamba baliktad naman ako! Para akong ina na nag-aalala sa dalawang anak na nag-aaway.

Mamaya lang kayong dalawa.

Kumunot ang noo ko nang malulutong na nagmura ang mga tao kaya napatingin ako sa gitna. Nanlaki ang aking mata at agad na tumayo.

Ang mata ay walang emosyon ngunit mayroong nakakatakot na ngisi. Bumaba naman ang tingin ko sa kamay nito kung saan hawak nito ang isang maliit na kutsilyo.

"Sh*t!" Mabilis akong tumakbo palapit sa gitna ngunit hindi pa man ako nakakalapit nang may lalaking malaki ang katawan ang pumigil sa'kin.

"H-Huwag!" sigaw ko pero dahil sa ingay ng buong lugar ay hindi niya ako narinig.

Hindi ako nakagalaw habang pinapanood ang mabilis na paggalaw ni Rav palapit kay Joaq sabay amba ng saksak ngunit sadyang mabilis si Joaq dahil nailagan niya ito. Ngunit umawang ang aking labi nang makita ang dahan-dahang pagtulo ng dugo mula sa braso ni Joaq. Ngunit walang paki lang ang lalaki sa halip ay mabilis nitong sinipa ang kamay ng kalaban kaya lumipad ang hawak nitong kutsilyo.

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at parang ako pa yata ang mamamatay sa dalawang 'to.

Nakadapa na si Ravi sa sahig habang ang isang kamay ay nasa likod nito at naka-upo naman sa likod si Joaq. Doon na natapos ang laban at panalo si Joaq. Hinawi ko ang malaking lalaki sa'king harapan at umakyat sa boxing ring at tumigil sa kanilang harapan.

Nanigas ako sa'king kinatatayuan nang magtama ang aming mata. Tumayo na siya at tinalikuran ako. Nagtangis ang aking bagang at dahan-dahang inalalayang makatayo si Ravi. Napangiwi ako nang makita ang kabuoan ng mukha nito.

"I'm fine, Yadah. Don't worry hindi pa ako mamamatay," natatawang saad nito.

Napa-irap ako at hinatak ko na siya paalis doon.

"Ayan ang napapala mo," bulong-bulong ko.

"Come on! Hindi ako bata, okay?"

Umirap na lang ako sa kawalan at bumuntonghininga.

"Upo ka."

Nanliit ang mata nito kaya mas lalong sumingkit. "Anong gagawin mo?"

"Gagamutin ko sugat mo syempre. Tss." Hinablot ko ang first aid kit at sinimulan na siyang gamutin. Habang panay daing naman siya dahil sinasadya kong dinidiinan ang bulak sa kaniyang sugat. "Sakit 'no? Ulitin mo pa ha?" sarkastiko kong saad.

"Mas masakit 'yong sugat sa puso ko, hindi madaling maghilom," walang emosyon niyang saad na nakapagpatigil sa'kin.

"S-Sorry," bulong ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Hindi na rin akong nagtangkang magsalita.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon