Chapter 50

37 1 0
                                        

"Yadah!"

Puro sigaw at hagulgol ang naririnig ko ngunit ang aking mata ay malabo. Nakahiga ako sa strecher at ramdam ko ang mabilis na pagpanhik nito. Tanging puting ilaw lang ang aking nakikita.

Nakamulat ang aking mata at tanging beeping sound lang mula sa machine ang naririnig sa buong kuwarto. Hindi ko ma-igalaw ang aking katawan, para akong na-paralyze. Dahan-dahang bumaba ang aking mata sa paanan ko. Kumunot ang aking noo.

Bakit may benda ang paa ko? Ano'ng nangyari?

"Aww," daing ko nang maramdamang kumirot ang aking ulo.

Bakit ako nakahiga rito? At bakit... halos nakabenda ang buong katawan ko?

Wala akong maalala...

Dahan-dahan kong inangat ang nakabenda kong kamay at kumikirot pa ito. Napahawak ako sa'king ulo.

"Ouch."

I sighed. Nilibot ko ang paningin sa buong kuwarto ngunit wala. Akmang magsasalita ako ngunit doon ko na-realized na may oxygen pala sa'king bibig. Napalunok na lang ako at humugot ng malalim na hininga. Hindi ko alam ngunit naramdaman ko na lang na mayroong tubig ang tumulo mula sa gilid ng aking mata.

I closed my eyes, inaantok ako.

--

"Saan na tayong part?" tanong ko sa lalaking nagbabasa ng nobela sa akin. Ilang buwan na ako sa hospital at lagi niya akong dinadalawa at binabasahan ng mga kuwento. Nag-rerecover pa ang paa ko at malapit na akong makalakad ulit.

"Uhm." Inilipat nito ang pahina hanggang sa mahanap ang itinagong bookmark. "Alright. Nasa part na tayo kung saan unang punta nila sa Tagaytay." And he smiled.

"Why are your smiling?" puna ko.

He shooked his head. "Nothing. I just remembered something," he said. "How about you? May naaalala ka na ba?"

I sighed and lowered my gazed. "Wala pa." Ang naalala ko lang ay ang pamilya ko at nagtratrabaho ako bilang surgeon, iyon lang. Pero 'yong aksidente na sinasabi nila? I can't recall it.

"Uhm, Mr. Figuerres? Please continued."

Tumango siya at nagsimulang magbasa.

"Nakatitig sila sa isa't isa habang may ngiti sa mga labi, halatang lubos na nagmamahalan ang dalawa. Hanggang sa nagwika si Dahlia. "Sa tingin mo, tayo kaya ang magkakatuluyan sa huli?" Napatigil naman si Quin. "Oo naman!" sagot ng lalaki."

Napakurap ako nang parang may humaplos na pamilyar na damdamin sa'king puso.

"Bakit nakaka-relate ako kahit wala pa naman akong minamahal?" tanong ko sa sarili.

Mapait na ngumiti ang nagpakilalang Akiero at nagpatuloy ulit sa pagbabasa. Hindi ako nagsasawang pakinggan ang istorya, idagdag pa ang boses ng lalaking ito. Parang nanonood ako ng palabas dahil punong-puno nang damdamin at sinasapuso niya ang pagkukuwento.

Hindi ko rin alam pero napaka-familiar ng kuwentong iyon.

"Ikaw? May minamahal ka ba?" tanong ko.

Tiniklop nito ang libro at tinitigan ako sa mata kaya napataas ang kilay ko.

"Oo." Matamis siyang ngumiti. "Pero nakalimutan niya ako, dahil kagaya mo ay may amnesia rin siya. Pero hihintayin ko siya hanggang sa maka-alala siya."

Parang kinurot ang puso ko sa kaniyang sinabi. Nakaka-awa naman siya. Malungkot ko siyang tinitigan at tinapik ang kaniyang balikat.

"Don't worry, babalik din ang ala-ala niya," saad ko para naman gumaan ang kaniyang pakiramdam.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon