Chapter 11

49 6 0
                                        

"Sorry, nadala lang ako sa emosyon ko," saad nito habang nakasandal sa kaniyang kotse.

Kanina kasi, pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon ay bigla niya akong iniwan sa loob at lumabas. Tipid akong ngumiti.

"Naiintindihan kita kaya ayos lang."

Matagal siyang tumitig sa'kin bago umayos nang tayo. "Thank you."
Lumakad na siya palayo at sinenyasyan niya naman akong sumunod. Kaya para tuloy akong robot na sumusonod sa kaniya.

"Gusto kong maglaro. Sa mall tayo!" bigla nitong saad sabay hatak sa'kin.

Napa-poker face na lang ako. Bakit gustong-gusto nila akong hatakin? Nakakahalata na ako, ha.

Nanliit naman ang aking mata nang pagpasok namin sa entrance ay nagyukuan ang mga guard.

Eh?

"Good afternoon, Mr. Ruyuji," sabay-sabay nilang bati kaya napalingon ako kay Ravi na nakangiti lang.

"Hmm." At iyon lang ang tangi niyang sinabi bago ako muling hatakin papasok.

Halos lahat ng stuff na malalampasan namin ay yumuyuko at magalang na binabati si Ravi.

"Bakit sila ganiyan?" takha kong bulong.

"Ginagalang lang nila ang nagmamay-ari ng mall na 'to," aniya at kinindatan ako.

What the... Ang lalaking 'to ang may-ari ng mall na 'to? Wow. Hindi na ako magtataka kung ang bahay niya ay mansyon. Sana all.

"Ang yaman niyo..." bulong ko. "Swerte mo naman," dagdag ko.

Mapait naman siyang ngumiti. "Swerte sa pera pero sa pamilya hindi," aniya na nakapagpatahimik sa'kin.

"S-Sorry."

"Nevermind. Tama na ang pag-eemote." At pilit siyang natawa. Napagpatuloy siyang naglakad at nag-escalator kami papuntang second floor hanngang sa tumigil kami sa tapat ng arcade.

Liningon niya ako at ngumiti. Akala ko may sasabihin siya pero deretso siyang pumasok doon. Nagkibit-balikat na lang ako at sumunod.

Nilibot ko ang paningin sa loob at napangiti nang maalala ang kambal. Maganda palang mag-bonding dito. Sa susunod dadalhin ko sila rito! Sigurado akong matutuwa at mag-eenjoy ang dalawa.

Hinanap ng mata ko si Ravi dahil bigla siyang nawala sa'king paningin, nakahinga ako nang maluwag nang makita siya. Nakatayo ito sa harap ng isang cla machine kaya tamad ko akong naglakad palapit dito.

"Anong gusto mo riyan?" agad niyang tanong ng makalapit ako.

Nangunot naman ang aking noo at tinignan ang mga stuff toys na nasa loob. Tipid akong ngumiti at tinuro ang stuff toy na gusto ni Dana, 'yong hello kitty na pinaka-cute sa mga stuff toy na nasa loob.

Tumango ito. "Okay." Naghulog ito ng isang coin at pinanood ko siya kung paano niya makukuha 'yon dahil medyo natabunan.

"Okay lang," saad ko nang hindi niya makuha pero naalis naman ang mga nakatabon sa kaniya. Naghulog ulit siya ng coin at ngayon ay nagtagumpay siya.

Matamis akong ngumiti nang i-abot niya sa'kin ang hello kitty. "T-Thank you, Ravi. Siguradong magugustuhan 'to ni Dana!" masaya kong saad at nayakap ang stuff toy.

Pinanliitan niya ako ng mata kaya mas lalong lumawak ang aking ngiti. Paano ba naman kasi? Ang singkit na nga lang ng mata niya gagan'on pa siya! Kaya ngayon para siyang nakapikit.

"Akala ko sa'yo 'yan, para sa kapatid mo pala. Ang bait mo namang ate," natatawa nitong saad.

"Uhm. Hindi naman kasi ako mahilig sa ganito," sambit ko at pilit na natawa.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon