"Anong problema mo?" mahinahon kong tanong at naglakad palapit sa kaniya. Lumabas na ako sa kuwarto at marahang sinara ang pintuan. Nilingon ko siya at takhang tinignan dahil wala itong imik at seryoso lang ang tingin nito.
Napabuga ako ng hangin at sumandal sa pader.
"May sasabihin ka ba?" malamig kong tanong habang nakayuko. Ngunit mabilis akong nag-angat ng tingin nang wala pa rin akong natatanggap na sagot mula sa kaniya.
Tumitig ako sa kaniyang matang nangungusap. Kita ko sa kaniyang mata ang mga salitang gusto niyang sabihin. Hindi ko rin mawari kung ano ang nais niyang ipahiwatig. Napapikit na lang ako at nanalangin na sana nababasa ko ang kaniyang isipan.
Pero dalawa lang ang nakikita ko sa kaniyang mata. Malungkot at nasasaktan.
Ano ba ang nangyari sa'yo, Joaquin? Bakit ayaw mong sabihin?
Lumaylay ang aking balikat nang dahan-dahan siyang tumalikod sa'kin at nagsamula nang maglakad palayo.
"Kung ano man ang gusto mong sabihin. Please, Joaquin, sabihin mo sa'kin!" sigaw ko at siguradong narinig niya iyon.
Muli kong sinilip sa loob ng kuwarto si Ravi at doon. Mahimbing siyang natutulog. Nang makuntento ay umalis na ako roon at nadatnan ko nalang ang sarili kong hinahanap si Joaquin. Ngunit natanong ko na ang lahat ng tao sa loob pero hindi raw nila ito nakita.
Saan naman kaya pumunta ang isang 'yon? Naalala ko ang abandonadong bahay. Doon agad ako nagtungo at tignan ang labas pero walang kahit na anong bakas ni Joaquin doon. Hanggang sa napatingala ako sa taas kung saan may roof deck.
Hindi ko alam kung nandoon ba siya pero malakas ang pakiramdam ko na naroon siya. At tama nga ako. Nakahinga ako nang maluwag at naglakad palapit sa kaniya.
Nakahilig ito sa railings at nakatalikod sa'kin. Tumabi ako sa kaniya at sumandal sa railings, bali magkaiba kami kung saan nakaharap. Nilingon ko siya at hindi man lang siya tumingin sa'kin. Tapos may hawak pa siyang isang canned beer
Matunog akong nag-smirk. Mukhang matindi ang pinagdadaanan niya.
"Alam mo, pwede ka namang mag-share ng problema," panunuya ko at tipid na ngumisi.
Tinitigan ko lang ang hubog na hubog nitong side view. Walang mintis, perpektong-perpekto! Hinintay ko siyang magsalita hanggang sa nagsalita na rin.
"Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Naguguluhan ako," seryoso nitong saad at tinungga ang beer. "Para akong naiipit sa isang madilim na eskinita."
"Sigurado akong dalawang bagay 'yan na kailangan mong pumili. Ikaw, piliin mo ang gusto mo at 'yon ang unahin mo," sambit ko.
"Sana ganoon lang kadali. Pero hindi, eh. Parang buhay ko ang nakataya," natatawa nitong saad at sa wakas ay tumingin siya sa'kin.
Nginitian ko siya at pinatong ang aking kamay sa kaniyang balikat. "Kung worth it na isakripisyo ang sarili mo sa bagay na 'yon, why not?" saad ko at kumurap. "Basta hindi mo pagsisisihan."
Bumuntonghininga ito. "Bahala na," aniya at inubos na ang laman ng lata. "Pero ang hiling ko ngayon ay sana... mawala ang weird na nararamdaman ko." At deretso siyang tumingin sa'kin kaya bahagyang kumunot ang aking noo.
"Ano ba ang nararamdaman mo?" curious kong tanong.
"Hindi ko nga mailarawan, eh. Hindi rin ako sigurado. Pero, mawawala rin naman ito." Tipid siyang ngumiti at sumandal sa railings kaya parehas na kaming nakaharap sa north.
Sabay kaming bumuntonghininga at tumingala sa langit. Sa himpapawid ay naghahabulan ang mga ibn habang unti-unti namang natatakpan ng ulap ang araw.
"Sa tingin mo, mapagkakatiwalaan ba si Ravi?" maya-maya'y tanong nito kaya napalingon ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
Roman d'amourILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.