After naming makarating sa Tagaytay ay pagkain agad ang hanap namin. Nagutom kami dahil hindi naman kami nag-lunch at buti na lang may nahanap kaming restaurant at syempre, matik na bulalo ang order ko, gan'on din si Joaq.
Agad akong inaya ni Joaq pumunta sa Picnic Grove pagkatapos kumain at nang marating ay nalula ako sa ganda ng tanawin. Mula rito sa taas ay kita ang mga bundok na pinapalibutan ng tubig, ang taal lake. Super peaceful lang.
"Mas maganda rito kapag gabi," sabi ni Joaq habang nakahawak sa railings.
Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Nakapunta ka na rito?"
Nilingon niya ako. "Yep! Dito ako nagpapahangin."
"Kaya pala familiar ka na rito," natatawa kong saad at lumapit sa kaniya.
Dumeretso siya ng tayo at hinatak niya ako papunta sa kaniyang harapan at nabigla ako sa kaniyang ginawa. Ipinulupot nito ang kaniyang braso sa'king tiyan habang nakatalikod ako sa kaniya. At sinandal ang kaniyang baba sa tuktok ng aking ulo.
Napangiti ako habang nasa gan'to kaming posisyon. Couple na couple talaga ang datingan, at ang romantic pa ng place idagdag pa ang view.
"You know? I'm thinking about living here," mahina nitong saad habang nakayakap pa rin sa'kin at comportable naman akong nakasandal sa kaniyang matigas na dibdib.
"Why not? Maganda naman dito, go lang!" pang-pupush sa kaniya.
"Pero gusto ko... kasama kita," aniya kaya napatigil ako.
Napagat ako sa'king labi para pigilan sa pagngiti. Putek! Bakit ang galing niyang magbato ng mga nakakakilig na linya! Nakaka-inis. Tiningala ko siya at nginitian niya ko.
"You want to leave here? With me?" tanong nito.
Bahagya akong napanguso. "Kapag kasal na tayo." At tinaasan ko siya ng isang kilay.
Kinurot nito ang aking ilong at hinalikan ang aking noo. "I will wait, then."
Ilang minuto kaming natahimik.
"Joaq..."
"Hm?"
"Sa tingin mo, tayo kaya ang magkakatuluyan sa huli?" tanong ko at hinarap siya.
Ang kaniyang ekspresyon ay naninimbang.
"Kasi, hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari sa'tin 'di ba?" I'm just being realistic.
Binasa niya ang kaniyang labi. "Kung tayo talaga, tayo pa rin hanggang sa huli, at kung hindi. Ipipilit ko, gagawa ako ng paraan" seryoso nitong saad.
Umangat ang gilid ng aking labi at niyakap siya. "Tama na. Bentang-benta ka na!"
"Huh?"
"Masyado mo na akong pinapakilig! Mamaya papa-iyakin mo ako, ah."
Natawa siya. "Hindi na kita papa-iyakin. I promise that."
Pinikit ko ang aking mata at mahigpit siyang niyakap. Bakit ba kasi ako baliw na baliw sa lalaking 'to? Ayaw ko na siyang pakawalan, masyado ko na siyang mahal.
Balak sana naming mag-overnight doon pero biglang tumawag si Acid at pinapapunta kami sa Underground. Akala ko kung ano na ang nangyari pero sabi niya, gusto niya lang daw mag-celebrate kasi meron na siyang matinong trabaho. Kaya heto na, papunta na kami roon.
Sinabi rin naman ni Joaq na puwede kaming pumunta roon anytime kaya hindi na ako nalungkot. At kahit doon daw kami mag-date. Napa-irap nalang ako dahil natututo na siyang lumandi! May tinatago palang kaharotan ang pulis na 'to. Barilin ko kaya siya sa puso. Char.

BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.