Chapter 42

30 0 0
                                    

Matamis ko siyang nginitian habang pinagmamasdan namin ang Death Underground. Nandito kami sa labas kung saan siya nakatayo no'ng una ko siyang makita. Tuwing naaalala 'yon ay napapangiti ako. Nilingon niya ako at inaya niya akong pumasok sa loob. Pagpasok ko ay bumlik ang nostalgic feels, 'yong mga panahong dito ako tumatambay, nakakamiss din pala.

Agad kaming dumeretso sa ikalawang palapag at napataas ang kilay ko nang may nagpeperform na banda sa stage. Umupo ako sa highchair at senenyasan ang bartender.

In-approach kami ng bartender at nagchika kami ng ilang minuto habang umiinom ng alak, pareho kami ni Joaq na light ang iniinom dahil wala kaming balak na maglasing. Mula sa babasagin na salamin ay kita ko ang pamumula ng aking mukha habang humahagalpak sa tawa.

Nagbibiruan kasi sa'min ang bartender at bintang-binta naman. Unti-unting humupa ang tawa ko nang tumayo si Joaq sa'king tabi, takha ko siyang tiningala.

"Where are you going?" mahina kong tanong.

Tinuro niya lang ang stage kung saan may kumakanta. Napataas lang ang kilay ko at pinakawalan ang kaniyang kamay. Naglakad siya palapit doon at may binulong sa lalaki at maya-maya lang ay tumigil ang kumakanta at bumaba ito sa stage.

Umawang ang labi ko nang umakyat ito sa stage at umupo sa harapan ng microphone. Nilingon nito ang banda at tumango, ilang segundo ay nagsimula na silang tumugtog.

Napangiti ako at sumimsim sa'king baso habang pinapanood siya. Deretso lang siyang nakatingin sa'kin hannggang sa magsimula siyang kumanta.

"And I'd give up forever to touch you

'Cause I know that you feel me somehow

You're the closest to heaven that I'll ever be

And I don't want to go home right now

And all I can taste is this moment

And all I can breathe is your life

And sooner or later, it's over

I just don't wanna miss you tonight"

Nang magmulat siya ng mata ay deretso iyong tumama sa'kin at matamis siyang ngumiti 'yong hindi labas ngipin. Napakagat ako sa'king labi para pigilan ang labis na pagngiti, at tinamaan ang puso ko dahil hindi ito mapakali at parang kinikiliti sa kilig.

Nang hindi makayanan ang makipagtitigan sa kaniya ay binaba ko ang tingin sa hawak kong shot glass. Ang taong kinababaliwan ko dati, ngayon baliw na baliw na rin sa'kin. Napangisi ako at tinaas ang paningin ko sa kaniya. Patuloy pa rin siyang kumakanta at nakapikit pa, damang-dama kanta.

Ang sarap talaga pakinggan ng boses niya, hindi nakakasawa at nakaka-antok pa.

"And I don't want the world to see me

'Cause I don't think that they'd understand

When everything's made to be broken

I just want you to know who I am"

Hanggang sa natapos na siyang kumanta. Ako ang unang pumalakpak ang pinuri siya at sinundan na rin ako ng ibang nanonood.

"Thank you po," saad nito sa mic. "I love you," he mouthed ng pababa na siya sa stage.

Uminit naman ang pisngi ko at kinurot ang palad dahil wala akong maipagbuntungan ng kilig. Nakangiti lang ako na parang tanga hanggang sa nakatayo na siya sa harap ko. Inabot nito ang kamay ko at hinatak ako pababa sa upuan.

Sumunod na lang ako at hindi na nagtanong kung saan niya ako dadalhin. Hanggang sa nakalabas na kami sa underground at tinungo ang pamilyar na daan, kung saan papunta sa abandonadong bahay na mayroong rooftop. Binitiwan nito ang aking kamay nang makarating kami sa taas.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon