Chapter 48

31 1 0
                                        

"Sit and rest, Yadah," aniya habang nagmamaneho.

"'Yong sasakyan ko nasa hospital pa."

"Ipapakuha ko na lang. Try to get some sleep, okay?"

Kumunot ang noo ko dahil tila awang-awa siya sa'kin.

"Look at yourself." At tinapat sa'kin ang rear mirror.

Napangiwi ako nang masilayan ang mukha. Medyo gulo ang buhok at nangingitim na rin ang ilalim ng mata ko.

"I'm starting to worry about your health. Natutulog ka pa ba?" nag-aalala nitong tanong.

"Kunti," mahina kong sabi.

He sighed. "Kain ka muna before ka matulog," medyo masungit nitong saad kaya napatingin ako sa'king katawan. "Parang hindi kumakain," dinig kong bulong-bulong nito.

Bahagya akong napangiti. "Sorry naman, Inspector," asar.

"Tss."

Nag-drive thru nga siya sa isang fast food chain at sinabing ito muna raw ang kakainin kasi malayo raw ang pupuntahan namin.

"Saan ba tayo pupunta?" curious kong tanong at sumimsim sa straw ng cokefloat.

Hindi siya sumagot kaya napanguso ako. Pinapanood ko lang ang mga nadaraanan namin hanggang sa napahikab na ako at namimigat na rin ang talukap ng aking mata.

"Joaq," mahina kong saad at nakapikit na ngumiti.

"Hmm?"

"Kantahan mo ako, dali."

Bahagya siyang tumawa at naramdaman kong pinagsiklop niya ang aming kamay.

"You missed my voice, huh?" asar nito.

Tumango ako at ngumiti habang nakapikit.

He cleared his throat.

"Come up to meet you, tell you I'm sorry

You don't know how lovely you are

I had to find you, tell you I need you

Tell you I set you apart

Tell me your secrets and ask me your questions

Oh, let's go back to the start"

After long, long years I finally feel again the safety in his hands. Bumalik ang kulang sa aking pagkatao dahil noong umalis ako, naiwan lahat ngayon ay dala-dala niyang bumalik. He filled the emptiness of my soul. It still the same, I'm still into him even how many years had past.

Tahimik ko lang siyang pinapakinggan. I missed everything about him, especially his angelic voice.

Nang magmulat ako ng mata ay hindi na umaandar ang sasakyan at nakahiga na ako sa malambot na kama... wait, what? Nang ma-ilibot ang paningin sa buong kuwartong kinalalagyan ko ay doon ko napansin hindi ito pamilyar.

Dahan-dahan kong tinggal ang puting comforter na nakataklob sa'kin at nilisan ang kama. Pinihit ang doorknob at binuksan ang pintuan. Bumungad sa'kin ang dim na hallway at kapansin-pansin na naglalaro lang sa dalawang kulay ang bahay na 'to. White and wood brown. Halatang bago lang dahil medyo amoy pintura pa at kakaunti lang ang mga gamit.

Napatigil ako nang marating ang living room, nandito pala ako sa second floor ng bahay. Bahgayang hinahangin ang puting mahabang kurtin kaya lumapit ako, nang hawiin iyon ay nakasiwang ang glass door papunta sa veranda. Umawang ang labi ko nang makita ang mga pine trees, maitim ang mga ulap at mukhang babagsak na ang ulan.

Tinitigan ko ang tanawin, napaka-familiar. Sinira ko na ang salamin at bumaba na ng hagdan. Bumaha ang mangha sa'king mukha nang marating ko na ang baba. Napaka-modern, organized and minimalist ng living room dito sa first floor, gano'n din ang kitchen.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon