"Bakit binigay mo lahat?" tanong ko habang humaharurot ang sinasakyan naming motor palayo sa simbahan.
"What do you mean?" aniya na nakakunot kahit nakatalikod siya sa'kin.
"'Yong pinagbintahan natin ng drugs," mahina kong saad at dinig ko naman ang pagbuntonghininga nito.
"Uhm. Let's says ginagawa ko 'yon para makabawi sa ginawa kong masama," seryoso nitong saad.
Humigpit naman ang kapit ko sa kaniyang balikat nang mas bumilis ang takbo ng motor.
"Oh? Okay." At napatango-tango ako.
Parang 'yong bunga ng masama niyang ginawa ay itinutulong niya na lang sa iba kaysa sarilihin ang mga 'yon. Napangiti na lang ako.
"Bakit ang bait mo?" tanong ko na hindi inaasahan na mapapalakas pala kaya narinig niya.
"Ako? Mabait?" natatawa nitong wika kaya bahagya akong tumango. "Sa totoo lang hindi ako mabait, maawin at matulungin lang talaga ako," aniya.
Hindi ako nakasagot dahil parang na-guilty naman ako. Hindi kasi ako katulad niya na nagbibigay ng tulong sa mga kapwa namin mahihirap. Mas gusto ko na lang kasing tulungan ang pamilya ko, mas gusto kong unahin ang pamilya ko bago ang iba. Uunahin ko muna ang kapakanan namin.
"Salamat sa araw na 'to, Joaquin. Sobrang saya ko!" sambit ko at matamis na ngumiti nang tumigil na kami sa harapan ng underground.
Ngumiti siya pabalik. "No worries. Nag-enjoy rin naman ako." At kumindat siya kaya nagsimula na namang magwala ang aking puso.
Napakagat ako sa'king labi at huminga nang malalim.
"S-Sige. Mauna na ako," paalam ko at bahagyang ngumiti.
"Bye, Yadah! Ingat." At kumaway ito lkaya kumaway rin ako pabalik.
Tumalikod na ako at naglakad na pauwi sa bahay, ngunit ang puso ko ay hindi pa rin kumakalma. Napabuntonghininga na lang ako at umiling. Grabe talaga ang epekto ni Joaquin sa puso, isip at katawan ko.
"Anong ginawa mo sa'kin, Joaquin?" bulong ko at tumingala sa kalangitan na ma-ulap.
Sumuot na ako sa madilim na eskinita at ang ilaw ay nasa dulo pa. Siguro kung bago lang ako rito, hinding-hindi ako dadaan dito. Ang creepy, eh! 'Yong pakiramdam na may holdaper, rapist or killer na nakatambay sa eskinitang ito.
Habang naglalakad ay napatigil ako nang makirinig ng kaluskos sa'king likuran. Awtomatikong nagtayaan ang aking balahibo at nanuyot din ang aking lalamunan. Napapikit ako at kagat labing nagpatuloy sa paglalakad.
At shit! No'ng tumigil ako ay tumigil din 'yong kaluskos, tapos no'ng nagpatuloy ako nagpatuloy rin! May sumusunod sa'kin. Gustuhin ko mang lumingon sa'king likuran ngunit tila nanigas ang aking leeg.
Tuluyan na akong napasigaw nang may itim na pusa ang sumulpot sa'king harapan. Tila masamang pakitain ito... Argh!
Bumilang na ako ng tatlo at handa na sa pagtakbo nang may malamig na kamay ang pumulupot sa'king braso at sunod-sunod ang mga nangyari. Ipinako nito ang aking dalawang kamay sa pader at naramdaman ko ang mainit nitong labi na nakadampi sa'king leeg.
"The hell!" sigaw ko at nagpumiglas ngunit mas lalong dumiin ang pagkakahawak nito. Habang ang labi ay gumagalaw na papunta sa'king dibdib.
"Shit." Buong lakas ko siyang pinagsisipa ngunit bigla akong hindi nakagalaw nang tuhurin nito ang aking tiyan. Napa-ubo pa ako at hinang-hinang napayuko.
Kumibot-kibot ang aking labi at namuo na ang luha sa'king mata. Hanggang sa lumabas na ang munting hikbi sa'king labi. Nanginginig ang aking buong katawan habang patuloy pa rin ang lalaki sa paghalik sa'king leeg.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.