Chapter 15

48 6 0
                                    

Pati sa pagtulog ay hindi ako pinapatulog ng aking isipan. Maraming gumugulo sa isip ko at gusto ko na lang na kalimutan ang lahat. Hindi ako nakatulog kaya nag-umpisa ang bagong umaga na mainit ang aking ulo. Deretso na akong nagtungo roon at hindi na rin ako nag-abalang kumain pa dahil hindi ko naman ramdam ang gutom.

Nakatanggap din kasi ako ng text mula kay Boss na may pag-uusapan daw kami kaya agad akong nagtungo sa kaniya. Nakanunot agad ang aking noo habang naglalakad at nang mapatingin ako sa mga tambay sa daan ay inirapan ko ang mga ito.

Umagang-umaga ay ang lagkit kung tumingin. Tss. Nagmadali na lang akong maglakad at nang makarating ay deretaso agad ako sa taas.

Napapikit pa ako nang mabuksan ang pintuan dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay ang liwanag ng kaniyang opisina.

"Anong meron?" medyo iritado kong tanong.

"Mukhang mali ang bagsak mo ngayon, ah," panunuya nito.

"Tss."

"HAHAHA. May ipapatrabaho lang ako pero mamaya ko na lang sasabihin kapag meron—nandiyan na pala siya," saad nito at kasabay n'on ang pagbukas ng pintuan sa'king likuran.

Hindi ako lumingon dahil wala akong paki-alam kung sino man 'yon. Pero nang maamoy ko ang pabango nito ay alam ko na kung sino 'yon.

"Maupo muna kayo sa sofa," magiliw na saad nito at napatingin ako sa gilid.

Sarkastiko akong napangisi dahil may kagamit-gamit at kabuhay-buhay na ang silid na 'to. Naglakad na ako at umupo roon. Naramdaman ko ang pagsunod niya pero hindi na ako nag-abalang lingunin siya.

"Alright." At nanlaki ang mata ko nang unti-unti siyang umikot paharap sa'min. Tinikom ko ang labi ko at umayos ng upo.

Naka-shade siya pero kita ko na ang mukha niya! Tama ako sa hinala kong nasa mid 40's pa lang siya base sa mukha nito.

"Oh ha! First time niyong makita ang mukha ko, pero mas guwapo ako kapag tinanggal ko 'tong shades," saad nito sabay ngisi. Mahangin pa itong sumandal sa upuan 'tsaka humalukipkip.

Kumunot ang noo ko. "Deretsohin mo na lang kami!" iritado kong sambit kaya natawa ito.

"Chill. Magpapasko na kaya kailangan ko ring mag-ayos," aniya at ngumiti.

Bumuntonghininga na lang ako at napasandal sa sofa.

"So, ito ang gagawin niyo. Madali lang naman." Napatigil ito at unti-unting sumeryoso ang mukha. "Manmanan niyo ang lugar na 'to." Sabay pakita sa'min ang isang picture ng abandonadong building. "Mamayang hating-gabi, mayroong transaction ang magaganap diyan."

Napatitig ako sa picture. Hindi pamilyar ang lugar na 'yon sa'kin.

"Iyon lang ang gagawin namin?" malamig na tanong ng aking katabi.

"Hanapin niyo ang lalaking 'to." At may picture ulit siyang pinakita. Lalaking maputi at halatang intsik ang isang 'yon.

"Anong gagawin namin sa lalaking 'yan?" taas kilay kong tanong at humalukipkip.

"Patayin niyo." At nakakaloko siyang ngumisi. Binuksan niya ang kaniyang drawer at inilabas niya mula roon ang isang baril.

Nawala ang emosyon sa'king mukha at napalunok. Shit. Iyon ba ang madali naming gagawin? Ang pumatay ng tao?!

"Malaki ang atraso ng lalaking 'yan sa'kin at ngayon ay gusto ko na siyang tapusin dahil namumuro na ang gago," mariin nitong saad at inabot sa'kin ang baril.

Napakurap ako habang nakatitig sa baril. Huminga ako nang malalim at akmang tatayo na sana ako ngunit tumayo si Joaquin at siya na ang kumuha n'on.

"Ako na lang ang gagawa, boss. At kung maaari ay ako na lang ang mag-isa," walang buhay nitong saad kaya kumunot ang noo ko. Napatingin ako kay boss na ngayon ay umiiling.

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon