Chapter 31

34 4 0
                                    

Nang sumapit ang gabi ay kakaiba ang katahimikan ng lugar. Walang iyong mga minions na maiingay dahil lasing. Sa sobrang tahimik ay nakakaramdam ako ng takot at kaba. Lumunok ako at pilit na matulog. Tumaas ang aking mga balahibo nang gumapang ang lamig sa'king buong katawanan.

Ngunit lumaki ang mata ko nang marinig ang nakakabinging putok ng baril.

"Nandito na sila..."

Halos tumulo na ang luha ko sa saya nang may dumating para iligtas ako, ngunit hindi ko alam kung sino pero sigurado akong ang ama ko iyon... Napapikit ako nang maalalang marami pa lang bomba ang nakatanim sa building na ito! Kahit galit ako sa kaniya ay hindi ako papayag na mamatay siya! Ni hindi ko pa nga nakikita ang pagmumukha n'on, gusto ko rin siyang makilala...

"Tulong!" sigaw ko nang tumigil ang putukan ng baril sa baba. Paulit-ulit akong sumigaw para malaman nila kung nasaan ako. Taimtim din akong nagdarasal na sana walang mangyaring masama sa taong magliligtas sa'kin.

Sinubukan kong tumayo kahit sobrang higpit ng pagkakatali sa paa ko. At nang makatayo ako ay eksakto namang bumukas ang pintuan at tumambad ang bultong katawan ni Ravi.

"A-Anong nangyayari sa labas?" inosente kong tanong at napalunok sa huli.

"He already arrived."

"Ang ama ko?!" bulalas kong tanong at napakurap.

Nagtatakha siyang napatingin sa'kin bago tumango. "Sit-down, hintayin natin siyang makarating dito at hindi ko alam kung makakarating pa siya. Halos isang libong tauhan ko ang nagkalat sa baba," simple nitong saad habang ako naman ay napatigagal.

"I-Isang libo?!" Laglag ang panga ko.

Buhay pa kaya ang ama ko bago siya maka-akyat dito? Nagtangis ang bagang ko at sinamaan siya ng tingin.

"Rash Vince Ruyuji, tell me that you love me," seryoso kong utos. Kumunot ang noo nito at humakbang palapit sa'kin.

"I love you," saad nito ngunit walang emosyon. Blanko, pati ang mata nito.

Kumuyom ang kamao ko. "Gusto mo bang kamuhian kita kapag namatay ang ama ko?" nanggigigil kong sambit.

Umiling siya.

"Then stop it right now! Itigil mo na at tama na!"

Matagal siyang tumitig sa'kin. "I'm sorry but I can't. Mas matimbang ang galit ko kaysa sa pagmamahal."

Napakagat ako sa'king labi at biglang nanlabo ang paningin dahil sa namumuong tubig. Umiling-iling ako. "So sa ginagawa mong ang mas nakakapagpasaya sa'yo?" nanghihina kong tanong.

"Yes," matapang nitong saad kaya natawa ako.

What a fool.

"Masaya ako dahil sa wakas ay nakapaghiganti na rin ako. Hindi mo kasi naiintindihan. Siguro kapag ikaw ang nasa kinalalagyan ko sigurado akong gagawin mo rin ang ginagawa ko ngayon."

Natahimik ako sa kaniyang sinabi dahil tama siya... Hindi rin ako matatahimik hangga't hindi nakakaganti pero in a good way naman. Hindi ako papatay para maghiganti, isusuplong ko na lang sa pulis para sa kulungan siya mabubulok.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone nito, nang masagot ay kumunot ang noo nito at nagtangis ang bagang. Habang ako ay nagtatakhang nakatingala sa kaniya, hindi ko kasi marinig ang kabilang linya. Napamura pa siya bago patayin ang cellphone.

"Stay here!" sigaw nito at madaling umalis. Habang nahagip naman ng mata ko ang paghugot nito ng baril sa kaniyang tagiliran.

Anong nangyayari?

The Gamble (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon