"Bakit tayo pupunta roon?" tanong ko habang nagpapatianod sa kaniyang hatak.
Tumigil lang siya nang makalapit na kami sa private plane ni Uncle Dether! Ang lokong 'yon may private plane pala! Hindi naman siya masyadong mayaman eh
"Uncle Dether said, you need to take a break. Kaya sa HongKong tayo mag-uunwind," simple nitong saad at pumamewang.
Napangiwi ako. "Fine!" At patakbo akong umakyat ng eroplano. Agad na nagningning ang aking mata ko nang makita ang kabuoan ng eroplano sa loob. Ang sosyal! Halatang pangmayaman.
Hindi na akong nag-abalang bilangin ang mga upuan at agad akong sumalampak sa nagustuhan kong upuan, sa tabi ng bintana. Agad ko namang sinilip ang dalawang kong kapatid na naka-upo sa harapan ko. Tuwang-tuwa sila habang nagtitili pa si Dana. Napanguso ako at napatingin sa dalawang babae, sila raw ang magbabantay sa dalawang bata at utos iyon ni Uncle.
Napabuntonghininga ako at sumandal sa malambot na upuan. Super comfy, napahikab tuloy ako. Malayo kasi ang byinahe namin papunta rito sa airport.
"Take a nap," sulpot ni Joaquin at basta na lang umupo sa'king tabi.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Marami pa ang bakanteng upuan doon ka na lang," nagtitimpi'ng inis na sabi ko.
He sighed at pinagkrus ang kamay sa kaniyang dibdib. "I insist. Wala kang masasandalan kung sakali." At maloko itong ngumisi.
Mas lalong nagdugtong ang aking kilay. "Hinding-hindi 'no! Asa!"
Napa-irap ako at padabog na ibinaling sa bintana ang aking mukha. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng inis sa kaniya. Until I realized, yeah my period siya ang nasa likod nito.
Ipinikit ko na lang ang aking mata at wala akong paki-alam kahit dinadaldalan ako ni Joaquin. Kausapin niya ang sarili niya.
"If I'm not mistaken, 3 hours lang ang flight from here to Hong Kong. Kaya umidlip ka muna."
Kahit nakapikit ako ay nagawa ko pa ring umirap. Hindi ko na siya pinansin. Naramdaman ko rin ang paggalaw ng eroplano, senyales na lilipad na kami. Gustuhin ko mang tignan ang tanawin sa labas pero hinahatak na ako ng antok. Maybe kapag pauwi na lang ako babawi.
Tilian ng mga bata ang gumising sa'kin. Mariin akong pumikit at nakasimangot na nagmulat ng mata. Nang maamoy ko ang pamilyar na amoy ay bahagyang nanlaki ang aking mata at ngayon ko lang na-realize na nakahilig pala ako sa isang matigas na dibdib!
Agad akong napalayo at nanlalaki ang mga matang tinignan si Joaquin, na ngayon pala ay nakapikit ang mata. Nakatulog din pala. Nakahinga ako nang maluwag, sana hindi niya naramdamang humilig ako sa kaniya.
Napatingin ako sa labas ng bintana at napataas ang kilay ko nang hindi na gumagalaw ang eroplano at lumapag na pala kami. Kaya naman pala panay ang tili ng dalawa. Dahan-dahan akong tumayo at hindi pa man ako nakaka-alis ay biglang nagmulat ng mata si Joaq na ikinagulat ko. Ramdam ko pa ang pagtalon ng aking puso.
Napahawak ako sa tapat ng aking puso at huminga nang malalim. Nag-iwas ako ng mata at nagpatauloy na lagpasan siya.
"Where are you going?" medyo paos na tanong nito.
"Sa labas. We're here," tipid kong sagot at inabot ang bag ko sa taas at naglakad na palabas ng eroplano. Nakalabas na rin ang kambal at ayon. Talon sila ng talon.
"Kids, behave," ma-awtoridad kong saad at agad namang tumahimik ang dalawa. "Good."
At nagtungo kami sa nakahandang van na sasakyan namin papunta sa hotel na ipina-book ni Uncle. He really prepared this all, huh? Nice. Napatingin ako sa hagdanan ng eroplano kung saan bumababa pa lang ang lalaki at hindi alintana ang magulo nitong buhok habang nasa likod naman nito ang kaniyang bagpack.
BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.