Mabilis siyang tumakbo palapit sa'kin at hinatak ako para magtago sa likod ng pader.
"Shit, Yadah! 'Di ba sinabi ko namang doon ka lang? Bakit ka kasi umalis, ha?" galit nitong saad at namumula na ang mata at mukha nito.
Ang takot na nararamdaman ko kanina ay mas lalong domoble.
"S-Sorry..."
"Stop saying sorry! Nangyari na, e." At iritado itong napasabunot sa kaniyang buhok kaya mariin akong napapikit.
"S-Sorry," bulong ko at 'yon lang ang kaya kong sabihin ngayon.
Mariin at sunod-sunod siyang napamura nang paulanan nila kami ng bala sa aming pinagtataguan. Napapikit ako at wala sa sariling napayakap kay Joaquin dahil nanginginig na ako ngayon sa takot.
"Shit!"
Napasinghap ak ng hangin nang maramdaman ang pagpulupot ng kamay nito sa'kin.
"Kailangan nating makalayo sa kanila. Ang dami nila, Joaquin," utal-utal kong saad.
Mariin siyang umiling. "Ikaw lang ang lumayo rito. Tumakbo ka na!" aniya at itinuro kung saan ako pupunta.
Nanlaki naman ang mata ko at mabilis na umiling. "Hindi kita iiwan dito nang mag-isa," pagmamatigas ko at seryoso siyang tinignan.
Bahagya siyang napa-irap. "Sundin ko na lang ang utos ko, Yadah. Hindi naman ako mamatay," walang emosyon nitong saad at mabilis na pinaputukan ang mga kalaban.
Napatakip naman ako sa'king magkabilang tainga dahil sa ingay ng putukan.
"Dali na, Yadah!" sigaw nito habang nakikipagpalitan ng putok.
Bumuntonghininga na lang ako. "Okay, basta ipangako mo na hindi ka mapapahamak!" sigaw ko kahit nasa tabi ko lang siya.
"Oo. Pinapangako ko," sagot nito at tinignan ang aking mata.
Nang makunteto akong titigan ang mukha niyang napaka-ganda ay patakbo kong tinahak ang daang papuntang likod. Ang akala ko ay ligtas na ako ngunit nagkakamali ako. Dahil paglabas ko ay may tatlong lalaki ang naghihintay roon.
Nakangisi sila habang mayabang na nakahalukipkip.
"Akala mo makakatakas ka, ha?" At sabay-sbaay silang humalakhak.
Lumunok ako at hindi nagsalita. Palihim kong tinignan ang paligid at naghahanap ng puwedeng pangdipensa. May nakita akong dos-por-dos ngunit malayo 'yon sa'kin. Napakagat ako sa'king ibabang labi dahil pinipigilan kong mapangiti. Wala silang dalang baril, pero hindi ibig-sabihin n'on ay madali akong makakatakas sa tatlong bugok na 'to.
"Hmm." Hindi ako gumalaw nang maglakad palapit sa'kin ang isang lalaki. "Pwede ka naman naming pakinabang bago ka namin tapusin," saad nito at ngumisi. Malagkit ako nitong tinignan pababa at pataas sa'king katawan.
Nagngitngit ako sa inis at kumuyom nang mahigpit ang aking kamao.
"Bastos!" sigaw ko at malakas kong inuntog ang aking ulo sa kaniyang noo. At sa huli ay pinagsisihan kong sana hindi ko 'yon ginawa. Napahawak ako sa'king ulo dahil sobrang sakit nito at nakakahilo.
"Aray!" reklamo nito habang nakahawak sa kaniyang noo at nanlaki ang mata ko nang may dugo mula roon. Napalakas nga...
Kumaripas na ako nang takbo dahil tinulungan n'ong dalawa ang kanilang kasama.
"Huliin niyo ang walang hiyang babaeng 'yon! Papatikimin ko talaga 'yan ng leksyon!" sigaw n'ong lalaki.
"Kapag kaya niyo akong huliin!" sigaw ko at mas binilisan ang pagtakbo.

BINABASA MO ANG
The Gamble (COMPLETED)
RomanceILLEGAL SERIES #1 In order to capture the enemy, you should target the weakest point, which is the daughter.