Mine Series # 1
You Are Mine (Completed)
Mine Series # 2
He'll Be Mine...
Medyo SPG.
Prologue.
The Start.
Wearing a sexy outfit, kalmado akong pumasok sa dressing room ng bar. Para dagdagan ang apoy na dadalhin, nagdala na rin ako ng pulang maskara para hindi ako makilala.
Sa gabing ito, may panibago na naman akong misyon na gagawin.
Isang taon ang lumipas matapos maikasal si Kuya Kailean sa kaibigan kong si Vaeda ay nanirahan ito nang payapa sa isang lugar kung saan, wala masyadong nakakakilala sa kanila. So here I am again now... alone with the mission my father gave me.
Ang sabi niya ay may reward raw ako kapag maitatagumpay ko 'tong misyon na 'to. Nagtataka na tuloy ako kung ano iyon. The mission he gave me is not that hard, para lang siyang tuldok na pwedeng takpan ng takong ng heels na sinusuot ko ngayon.
Kalma lang, Danity. Matatapos mo rin ito. Hahaha!
"Ikaw 'yung sasayaw?" salubong sa akin ng bakla nang makapasok ako sa dressing room. Ngumisi ako saka tumango. "Ay ang taray, ah! Ganda naman ng napili ni Beka!" puri niya.
Alam ko na 'yon, hindi na kailangang sabihin. Psh.
Naglakad paikot sa akin ang baklang may pangong ilong, sinusuyod ang paningin sa katawan ko. "Maganda na nga ang mukha, napakaganda din ng katawan mo! Malaki ang kikitain natin ngayon, panigurado 'yan!" sarkastiko akong napangisi sa sinabi niya.
At mahuhuli ko na rin kayong lahat ngayong gabi.
Hindi nagtagal ay nagpaalam sa akin ang baklang nagngangalang Tiffany dahil may aasikasuhin pa siya sa stage na sasayawan ko.
Tsk.
Nilibot ko ang paningin sa buong dressing room. May nakita akong iilang mga babae na pumipili pa ng kanilang susuotin sa nakahilerang mga damit na naka-hanger. Ang ilan na nakabihis na ay pumosisyon na sa salamin kung saan nakalatag ang mga make-up kit. Patago akong napangiwi at nadismaya sa ginagawa nila sa buhay.
Wala na bah talaga silang ibang pwedeng pagkakitaan para matustosan ang kanilang pangangailangan?
Kung nagtatanong kayo kung ano ang misyon ko ngayon...
Kailangan kong mahuli ang babaeng nang-re-recruit ng mga magagandang babae kada araw para mabigyan ng escort ang mga lalaking customer nila. Bawat babae ay malaki ang halaga kaya sa hula ko, milyon-milyon ang kikitain ng babaeng iyon kada araw dahil halos lahat ng customer nila ay mayayaman at maimpluwensiya.
Bakit bah nila inaprobahan na ipatayo ang ganitong klaseng establisyimento? Alam kong hindi sila tanga para hindi nila malaman na may ganitong gawain. Ako 'yung naaawa sa mga babaeng kinukuha at napipilitan na pumayag na gawin ang malaswang trabaho dahil gusto nilang magkapera.
Hay... buhay nga naman, hindi patas.
"Hello!" napalingon ako sa babaeng may bangs at maikling buhok. Wait, ako bah 'yung binati niya?
Tinuro ko pa ang sarili para masigurong ako nga ang kinakausap niya. Pikit-mata at nakangiti siyang tumango. Halos tumalon na siya para makalapit sa 'kin. Wew, medyo hindi bagay sa kaniya ang suot niyang fit dress na dilaw.
"Ano'ng pangalan mo?" malambing na tanong niya.
Napaghandaan ko na 'to. "Katie," tipid na sagot ko. Bumaba ang mata niya sa katawan ko.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
