Fifteen

101 1 0
                                    

Chapter 15.

Beer.

Lunch time came when I decided to eat alone in a restaurant. Gusto ko ring tawagan si Mommy tungkol sa pagbubuntis ni Yza.

I sighed heavily as I removed the hard hat from my head. Huminga ako nang malalim at napatingin sa pinto ng opisina nang bumukas ito. And there I saw Felix, he's still wearing his freaking glasses na bagay na bagay naman talaga sa kaniya.

Tinaasan ko siya ng kilay saka umirap. Wala akong oras para makipagsagutan sa kaniya lalo na sa sinabi niya kanina na simula bukas, siya na ang bibili ng kape ko. Ano naman ngayon kung siya na ang bibili? Hindi ko naman tatanggapin. Bahala siya! 'Di ko alam kung nang-aasar lang bah siya o sadyang abnormal lang siya? Ewan ko!

Kinuha ko ang bag at lumabas na sa opisina. Dito pa rin ang trabaho ko mamayang hapon kaya mas mabuting sa malapit na restau na ako kakain.

Pagkasakay ko ng kotse ay nahagilap ng mata ko si Felix na patungo din sa kotse niya. I rolled my eyes again and started the engine. Better kung ikain ko nalang ang pagkairita ko sa kaniya.

'Di nakaligtas sa paningin ko ang pagsunod ng...

Nalintekan na! Bakit niya ako sinusundan? What the hell is up to this guy?!

Marahas akong napabuntong-hininga at pinaharurot ang sasakyan hanggang sa tumigil ito sa isang restaurant. Tama ang hinala ko, Felix is following me at para pakalmahin ang sarili, nagpasya akong hindi siya papansinin.

"Table for two, Ma'am?" nakangiting tanong ng waitress pagkapasok ko.

"Mukha bah akong may kasama? Huh?" pagtataray ko na ikinatawa niya nang mahina. "Pero sige, I want a table for two kahit wala akong kasa--"

"Sino'ng nagsabing wala kang kasama?" my eyes widened in fraction when I felt Felix arms snaking around my waist. Lumapad ang ngiti no'ng waitress na kaharap namin at inalalayan kami papunta sa lamesa.

My jaw was clenching, stopping the urge to punch the man who's pulling the chair for me. Nagtama ang paningin naming dalawa at ipinakita ko sa kaniya ang galit kong ekspresyon pero nginitian niya lang ako, halatang inaasar pa ako.

Humugot ako ng hangin at umupo sa kabilang upoan. I heard him chuckled a little but I managed not to look at him as he sat down infront of me.

Binigyan kami ng tig-iisang menu ng waitress.

"Why are you following me?" matigas na tanong ko. Hindi siya umimik kaya matalim ko siyang tiningnan. "I am talking to you, Felixio Rin." seryusong saad ko.

Our eyes interlocked and what the... I suddenly got distracted with his glasses. "I just want to have lunch with you," tipid na sagot niya.

I scoffed. "Pinagtitripan mo bah ako?" diretsahang tanong ko na nagpangiwi sa kaniya.

"What makes you think I will do that to you?" my teeth gritted and calm myself for a minute. Marunong makipagsagutan ang tarantado na 'to kaya malaki ang posibilidad na mapapahiya ako.

Sa huli ay sabay naming sinabi kung anong pagkain ang oorderin namin. Halatang naaaliw sa amin ang waitress na nag-aasikaso dahil kanina pa siya nakangiti sa aming dalawa. I just smirked without a humor. There's no fun with these shitty things.

Hindi ako natutuwa sa mga ikinikilos ni Felix.

"Why were you late by the way?" isang minutong katahimikan ay siya ang naunang nagsalita. Tiningnan ko siya. "May nangyari sa condo ninyo ni Yzabelle?" dagdag niya pa.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon