Chapter 44.
Malas.
Wala akong pakialam kung naghihintay man sa akin ang boss ko sa Manila. Ang gusto ko ay samahan si Rina hanggang sa mailibing si Jack.
My heart still aches every time I hear Rina's hard cries. Wala siyang ganang kumain, kahit tubig ay wala siyang planong uminom. Hindi rin siya natutulog. Unti-unti niyang pinapatay ang sarili niya.
"Don't blame yourself," bulong ni Elena nang mapansin niyang nakatitig ako kay Rina na nakatulala.
Umiling ako. "Hindi ko mapigilan, Elena... Nasundan ako rito..."
She tapped my back. "No... don't say that. Kahit hindi ka pumunta rito. Napansin na namin ni Vittorio na may nagmamasid sa amin. 'Di lang namin sinabi dahil ayaw kong mag-alala si Rina." nagtagis ang bagang ko at mas lalong nadepina ang galit sa natitirang tauhan ni Slovenia.
I tried my best to make Rina feel better and thankfully, nakikinig siya sa mga sinasabi ko. Matapos ang paglibing ni Jack-- pinili kong dito na siya ilibing sa Cebu dahil alam kong darating ang araw ay magpapagawa ako ng bahay dito at itatabi ko sa burol niya. I bought a lot for him. After his funeral, Rina's senses went back.
Kumakain na siya nang maayos at kahit tumatahimik na siya ngayon, alam kong nalulungkot pa rin siya sa nangyayari. Namatay na nga ang asawa niya habang pinagbubuntis niya si Jandeil... namatay naman ngayon ang aasahan niyang aalalay sa kaniya.
I bit my lower lip and covered my whole face using my palms when another set of tears is coming out from my eyes.
Napaiyak ako nang malakas habang sumasakay sa eroplano patungong Manila. I feel so guilty. I can't stop it but to blame myself for what happened. Hindi deserve ni Jack ang sinapit niya.
Mas gusto kong makita siyang lumaki, inaabot ang pangarap niyang maging isang fashion designer. That boy was so precious to me. He is like a gemstone that I can't throw. He made me very happy in a very short period of time.
Naalala ko pa kung paano siya tumawa at ngumiti sa akin. Ang ganda ng ngiti niya sa tuwing nagugustohan niya ang nakikita. I'm so sorry, Jack... but your Tita Hestia did not protect you this time. She might killed the person who killed you... but still, hindi kita naprotektahan sa oras na dapat kitang protektahan.
And this guilt will always stay with me forever... I am so sorry.
"Kneel," isang salita galing sa kaniya ay agad kong sinunod. Lumuhod ako sa kaniyang harapan habang hawak ko pa ang dala kong bagahe. "Where have you been and was gone for 1 month?"
Hindi ako sumagot.
"Answer me, Viornole." nagtitimping dugtong niya. "I just gave you 4 days of having a break from your shit work! Hindi ko sinabing apat na linggo!" tulala lang ako habang sinisigawan niya ako.
Yumuko pa ako na halos mahalikan ko ang sahig. "Gusto ko mang sabihin sa 'yo. Hindi ko rin kaya..." my voice broke. "P-pasensiya na pero nagpahangin lang ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon... Sana maintindihan mo."
Siya naman ngayon ang nawalan ng imik. I waited for him to walk away and when he did. Doon na ako tumayo at dumiretso sa kwarto.
Nanikip ang dibdib ko nang lumantad sa akin ang dinrawing ni Jack. He said that it was him, me and Faith who is watching the waves of the ocean. Hinaplos ko ang papel at kasabay no'n ay nanginig ang balikat ko.
I cried again.
Dalawang araw ang lumipas ay medyo nagiging maayos na ang pakiramdam ko. Sa pamamagitan ng paglilinis ko sa malaking bahay ni Felix, nakakalimutan ko saglit si Jack.
![](https://img.wattpad.com/cover/283541963-288-k234458.jpg)
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023