Five

157 6 1
                                    

Chapter 5.

Hindi Magugustohan.

"Really? Panyo ko lang talaga ang sinadya mo rito?" sinubokan kong huwag tarayin ang boses pero hindi ko na napigilan dahil nakangiti niya pa talaga akong nilingon. I harshly sighed and was about to hit his shoulder pero biglang pumasok si Mommy na may dalang desserts.

Ugh! Wrong timing naman!

"Here, hijo. I just made this dessert earlier and it's a perfect timing that you came here so that you can taste this!" halatang tuwang-tuwa si Mommy sa pagdating ng... bisita ko bah ang moko na 'to?

"Woah... dessert!" si Felix na parang bata na nakakita ng barya sa daan.

Napangiwi ako at napapairap. Pagkatingin ko kay Mommy ay seryuso niya na akong tinitingnan kaya napaayos ako ng upo at peke na ngumiti. Tumayo na ako para iwan na silang dalawa sa sala pero hinarangan niya ako. "I will leave you two here, okay? I still have to talk my husband about our trip tomorrow--"

"Mom!" nanlalaki ang matang pigil ko sa kaniya. I don't want to stay here with Felix! Tatawagan ko pa si Yza-- teka... ano nga ulit sasabihin ko sa kaniya? 

Ngumiti ang maganda kong ina at makahulugan akong tiningnan. "I will leave my beautiful daughter to you, Felixio," bahagya niya pang sinulyapan si Felix at hinarap ako ulit. "Have a great time talking to her." ito ang ayaw ko sa ugali ni Mommy eh! Tinutulak niya ako minsan sa mga gawain na hindi ko gusto.

If my words are the rules. My Mom's words are the powerful.

Gritting my teeth, napilitan akong umupo ulit sa sofa pero malayo na sa lalaking Bisita ko. Like really?! Panyo ko lang talaga ang ipininunta niya? He can just return it to me tomorrow! I wonder kung ano ang ginamit niyang sasakyan eh nagko-commute lang naman siya.

Wala akong masyadong alam sa pamilya nila Ate Felicy. Hindi ko nga naalala na may ibinahagi siya sa amin na may kapatid siya. Baka kay Kuya Kailean, doon niya na-share lahat. Mag-bestfriend ang dalawa eh, hindi ko na alam ngayon kung magkaibigan pa bah sila.

"Woah... this taste so good!" taas ang isang kilay kong binaling ang paningin kay Felix.

"Hoy," I called him.

Tiningnan niya nga ako na may ngiti na naman sa labi. Bakit bah nakaka-distract ang palangiti niyang labi? If I am distracted by his lips, ganoon rin ako sa mga malalalim niyang mga mata. Why do I see sad things in... his eyes?

"What? Do you want some?" napakurap ako at bumaba ang tingin sa baso na may dessert. Naputol tuloy ang paninitig ko sa mata niya.

Umirap ako. "Hindi pa ako kumakain ng dinner kaya hindi pa ako pwedeng kuma-- lintek naman..." bakit ko bah nakakalimutan na hindi pa siya makakaintindi? Peke akong ngumiti. "Sorry, you can just eat those by yourself."

He pouted and continued eating. "I already told you not to use your fake smile, it doesn't look good on you." saad niya nang hindi nakatingin sa akin.

"Uh... Ma'am Danity," napaigtad ako sa biglang pagsulpot ng kasambahay namin.

It was the one who informed me that Felix is here. Wala na siyang dalang tray ngayon. "Hmmm? May dumating na naman bang bisita?" sarkastiko pero kalmadong tanong ko.

Napakamot siya sa pisngi niya. "'Di niyo pa po nakakain ang hapunan ninyo, Ma'am kaya... pinapasabi po ng Mommy ninyo na kumain na kayo kasama si Sir Felix." umawang ang bibig ko at gusto nang magwala.

"Oh... did you just mention my name, Miss?" inosenteng tanong ni Felix sa kasambahay.

Bago pa humaba ang usapan ay hinawakan ko na ang braso niya at hinila patungo sa dining room namin. Mabuti at nagpahila lang siya sa 'kin kaya hindi na ako nahirapan pa. Mabilis ang galaw ko habang kumakain. Felix was in awe to see the foods served in our long table. 'Di ko siya pinansin.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon