Don't forget to comment your thoughts po! And your vote is highly appreciated. *hart* *hart* Love ko kayong lahat!
Chapter 6.
Act.
Nakatulogan ko ang malalim na pag-iisip at nagising naman sa saktong oras. Mas gusto kong huwag nalang isipin ang mga pinagsasabi ng kapatid ko kagabi. He has no proof that I will not like Felix. Nagkaroon pa nga ako ng ganang mas kilalanin siya dahil sa mga sinabi niya sa 'kin.
I swallowed hard as I get up from my bed. I stretched my arms in the air and immediately went to the bathroom with my towel.
Panibagong araw na naman. Mom and Dad is still in the other country, taking up their business. I hope they are doing fine there at sana rin, magdala sila ng maraming pasalubong.
Matapos maligo ay ginawa ko ang daily routine ko sa katawan. After putting some lotion to my body, I decided to wear my brown slacks and white polo. Medyo nawiwirduhan akong magsuot ng pencil skirt lalo na't nag-iintern pa ako. Saka na lang kapag nakapagtrabaho na ako. Ano naman connect doon, Danity?
"Morning, ebrebadi!" masigla kong bati.
Nagsiyukoan ang mga kasambahay kaya nagkibit-balikat na lamang ako saka nagsimula nang kumain. Bumaba na ang pogi kong kapatid suot ang uniform niya bilang teacher.
Tamad niya akong tiningnan, tinaasan ko naman siya ng kilay.
"What?" masungit na aniya nang makaupo. I rolled my eyes reasoned why he suddenly felt uneasy. "If you're still not convinced on what I said last night, it already depends on you if you'll try to find the reason why basta winarningan na kita." dugtong niya.
I scoffed. "Kung makapanghusga ka naman kay Felix, parang may nagawa na siyang napakalaking kasalanan, ah?" mas tumalim ang pagtitig niya sa akin.
Hindi na siya umimik at nagsimula nang kumain tulad ko. Panay ang pag-irap ko habang kumain hanggang sa matapos. Nang magpaalam na si Kuya ay siya namang pag-alis ko papunta sa company.
Pagkababa ko sa sasakyan ay naagaw kaagad ang paningin ko sa lalaking nakatayo malapit sa kotse ko. I blinked twice to check if it's really Felix at para akong tangang napatakip sa mukha nang mapagtanto kong si Felix nga! Oh! The books! Nadala ko iyon!
His eyes landed on me. Kahit malayo ay nakita ko ang pagliwanag ng mga mata niya at halos takbuhin na ako patungo sa kinaroroonan ko. Umayos ako ng tayo at nagpanggap na seryuso.
"Magandang umaga!" saglit na nanlaki ang mata ko.
I crossed my arms. "So you're already learning, huh?" nakangising saad ko, mayabang rin siyang ngumisi.
"Just a little bit," nakangiting sambit niya at napakamot pa sa batok. 'Di ko alam pero kahit na tumitibok nang napakabilis ang puso ko dahil sa kaniya, I feel warm. Hindi na ako inaatake na parang tanga. "Let's go now?" aya niya na nagpabalik sa akin sa ulirat.
Tumango ako. "Tara..."
Mamaya ko na ibibigay sa kaniya ang nabili kong libro kahapon. Baka sa uwian, ibibigay ko na.
Sabay kaming pumasok sa building at agad ko namang napansin ang pagbaling ng mga tingin ng ilan sa amin. I know they are not looking at me, kay Felix sila nakatingin.
I admit na kahit tuko ang tawag ko sa kaniya, napakagwapo niya.
"It's weekend tomorrow," bigla siyang nagsalita nang makapasok kami sa elevator. Kumunot ang noo ko sabay tingin sa gawi niya. He smiled at me. "Do you have plans to go... somewhere you know?" nagdalawang-isip pa siya sa sinabi.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
