Eighteen

95 1 0
                                    

Chapter 18.

Two.

Nagkatinginan kami ni Felix nang makasakay kami pareho sa kotse niya. Sa huli ay pinili naming kaming dalawa na ang bumili ng pagkain ni Yza dahil ang sama niya kung makatingin sa akin na animo'y parang may ginawa akong kasalanan. 'Di ko alam pero parte yata sa pagiging buntis ang pagiging abnormal?

"Sa'n ka bumibili ng peanut butter?" tanong ko nalang para naman mawala ang katahimikan sa loob ng kotse niya.

Umiwas siya ng tingin saka pinaandar ang makina ng kaniyang kotse. "I know a bakery selling a peanut butter," tipid na aniya kaya napanguso ako.

Kung makaasta siya, parang wala kaming ginawang kabalastugan kanina ah? Hindi naman sa sinasabi kong gusto kong ungkatin ang nangyari pero hindi niya naman kailangan maging malamig. Naninibago kaya ako!

"Ah... talaga? Masyado nang late. Sure ka bang bukas pa ang bakery na iyon hanggang ngayon?" tanong ko na naman.

Humugot siya ng hininga at tipid na tumango. Mas lalo tuloy humaba ang pagnguso pero binalewala ko nalang ang pagbabago ng ugali niya. I crossed my arms and rolled my eyes. Inabala ko ang sarili sa pagmamasid sa paligid na nadadaanan ng kotseng sinasakyan.

Mabilis kaming nakabili ng peanut butter at para makakain rin kami, bumili kami ng tinapay at dumaan sa isang convenience store para bumili ng maiinom. As usual, beer ang binili ni Felix.

When we got back to the building. Nagkatitigan na naman kaming dalawa sa loob ng elevator.

I raised a brow and he just smirked then looked away. Patago akong napailing. Baka naging abnormal na din siya gaya ni Yza.

Pagkalabas namin sa elevator ay pinauna niya akong maglakad. I was the one holding the plastic with the peanut butter and the bread. As I opened the door, nadatnan ko si Yza na nakaupo sa couch.

"Nandito na peanut butter mo, Madame." tamad na saad ko.

She immediately looked at me. Inismaran ko siya at inirapan niya naman ako. Marahas niyang hinablot ang plastic sa kamay ko at nilingon si Felix.

"You stay here for tonight, Felix. Gabi na at delikado ang kalsada," seryusong sabi niya saka tumayo at pumasok na sa kwarto. "Ah! Thank you for this by the way. Goodnight!" bati niya. Bigla niya kaming nilingon at binigyan ng makahulugan na tingin. "Huwag kayo gumawa ng kung ano ha? Hindi ako makakatulog niyan." dugtong niya at humagikhik pa bago sinarado ang pinto.

Napailing ako at tumungo sa kwarto para kunin ang cellphone ko. I sighed heavily and went outside.

Felix was in the kitchen, looks like he's going to make a sandwich. Umupo ako sa upoan, kaharap siya. He glanced at me and handed me the first sandwich he made.

"I'll sleep in the couch tonight. You don't have to worry," out of nowhere, he suddenly informed. Nagtama ang paningin namin. Tipid siyang ngumisi at pinagpatuloy ang paggawa ng sandwich.

Bumuntong-hininga ako. "Pwede namang sa kwarto ko nalang," nahihiyang sabi ko. I can feel my cheeks are burning as I said those words.

'Di na ako makatingin sa gawi niya lalo na noong makaupo siya sa harapan ko. I tried to give a bite to the sandwich he gave pero dahil sa bilis ng tibok ng puso ko, parang inaatake na ako! I tried to catch my breathe secretly at dahil malakas ang pandinig ng lalaking kaharap ko, marahan siyang natawa.

"You sure about that? Sabi ni Yza, huwag tayo gumawa ng kung ano dahil hindi siya makakatulog," shit! Ramdam ko ang pagpipigil niya sa pagtawa!

Nakakahiya!

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon