Chapter 32.
Nanumbalik.
Mabigat man ang talukap ng mga mata ay bumangon pa rin ako sa pagkakahiga. Grabe... napagod ako sa ginawang sparring namin ni Dante kahapon. 'Di ko naman pinagsisihan dahil medyo nakahinga ako nang maluwag.
I went to the bathroom to wash my face and brush my teeth. Tipid akong napangiti nang mapatitig ako sa sariling repleksyon.
How many months... ilang buwan na nga bah ang lumipas?
Matapos akong maghilam-os at magsepilyo ay naghanda na ako ng agahan. I feel alone again but it doesn't matter to me anymore. Nangako na ako kay Daddy na sa oras na makabalik ako rito ay ibabalik ko ang Kathlyn Danity na walang inaasahan na tao sa buhay.
He wants me to be independent again.
I find it good honestly. Nawalan na ako ng pakialam sa mga taong palaging nagsasabi na tatabihan nila ako sa tuwing nahihirapan ako.
I can heal on my own so what's the use of those people who kept giving me false hopes?
Napantig ang tenga ko nang marinig ang cellphone kong nagri-ring. I was currently drinking my black coffee. Sinagot ko ang tawag na galing kay... Lolo?! Para akong tanga na nataranta sa nakita.
"Danity? Hello?" napaawang ang bibig ko dahil nakompirma ko ngang boses ni Lolo ang naririnig ko?! "Oh... looks like I dialed the wrong number..."
"Lolo..." para akong nabaguhan sa sinambit ko.
Narinig ko ang paghalaklak ng Lolo ko sa kabilang linya. "What took you so long to speak?" he asked as if he find it very funny. "So! How's my most beautiful granddaughter?"
"I... I am very fine, Lolo..." mahinang tugon ko na nagpatawa pa sa kaniya. "B-bakit nga po pala kayo napatawag?" nauutal na dugtong ko.
"Why? Is there something wrong if I am calling you?" inosenteng tanong niya. "May magseselos bah, apo?"
"Hindi naman sa ganoon, Lolo... medyo nakakagulat lang na tumawag ka ulit sa akin..." pag-amin ko na ikinatahimik niya. "You know? It's been a long time since I heard your voice. Ang huling pag-uusap natin ay 'yung buhay pa si... Lola..."
Bumuntong-hininga siya. "I apologize that I left without any word, Danity..." sinserong aniya.
"It's okay, Lolo. Naintindihan ko naman kung bakit ka umalis..." 'yon lang ang nasabi ko kaya natahimik kaming dalawa. I gasped for an air. "Bakit nga po pala kayo napatawag?"
Tumikhim si Lolo. "Your brother is not paying his rent to me," namomroblemang saad niya na nagpalaki sa mata ko. "Palagi ko siyang sinisingil dahil alam kong may maraming pera itong kapatid mo pero alam mo bah kung ano ang sinasabi niya? He always say that he lost his money while finding me!"
"Wait a minute... All along, si Kuya nandiyan lang sa bahay mo, Lolo?!"
"Yeah." sagot ni Lolo.
Oh my gosh! Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na naramdaman ko nang malaman ang bagay na iyon. Sa wakas! Napatawad na ni Lolo si Kuya Kailean! Wala nang problema ang kapatid ko kay Lolo at ang poproblemahin niya nalang ay si Yza na halos siyam na buwan nang naghihintay sa pagbabalik niya!
Hindi nagtagal ang usapan namin ni Lolo. Sa problema niyang hindi pagbabayad ni Kuya sa renta ng bahay ay sinabi kong ako na ang magbabayad. May trust issues si Lolo kaya napilitan akong isabi sa kaniya ang bank account number ko.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
AksiPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023