Chapter 17.
Yza.
"Kathy! Kathy!" paulit-ulit kong naririnig ang pagsigaw ni Felix sa pangalan ko. I can also feel his hands tapping my cheeks. "Don't you dare die like this... huminga ka lang." iyon ang huli kong narinig dahil hindi ko na talaga nakayanan ang sakit ng dibdib.
Pero kahit na pikit na pikit ang mga mata ko, ramdam ko pa rin ang patuloy na pagtapik niya sa pisngi ko. Ang sakit huminga... parang may humahawak sa puso ko at marahas itong kinukurot.
I let my tears flow down to my cheeks. I think I am going to die here...
Hindi pa nga ako naikasal at nagkaanak pero mamamatay na ako rito. 'Di pwede iyon... Hindi pwede! Kailangan ko pang mabuhay para makita ko ang pamangkin ko tapos a-attend ako sa kasal ng kapatid ko!
Mabuhay ka, Danity. Huwag kang mamatay ng ganito. Kung mamamatay ka, dapat may sakit ka! Lintek na pananghalian na 'yon! Ba't hindi ko agad napansin na may lason ang pagkain? Mananagot sila sa akin kung mahuhuli ko sila!
Tanging kadiliman lang ang nakikita ko at hindi ko alam kung ilang oras akong nagdurusa sa lason dahil pagmulat ng aking mga mata...
Umaga na.
I slowly get up while gently holding my head. Napakabigat ng mga mata ko kaya pumikit ako saglit saka ito iminulat ulit. I surveyed my eyes and I noticed that I am sitting on a hospital bed which means nasa hospital ako.
Natigil ang mga mata ko sa lalaking natutulog nang nakaupo. It was Felixio. Halatang hindi siya komportable sa posisyon niya dahil kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya. I cleared my throat and find some water to drink. Sakto namang may nakita akong water bottle sa gilid kaya agad ko itong ininom.
"You're already awake," mabilis akong napalingon kay Felix nang bigla siyang magsalita.
Huminga ako nang malalim saka inayos ang magulong buhok. Lumunok ako. "Ilang oras akong natulog?" paos ang boses na tanong ko.
Tumayo siya at naglakad patungo sa kama. "Halos isang araw kang tulog." tipid na aniya. He stared at me and sighed heavily. "Ano'ng nararamdaman mo? May masakit bah?" tanong niya, may bahid na pag-aalala.
"'Yung... lalamunan ko, masakit." namamaos pa rin ang boses na sagot ko.
Umupo siya sa upoan na malapit sa akin at nakapandikwatrong umupo. "I did not tell your parents about this especially Yzabelle," napatango ako sa sinaad niya. "They got worried when you didn't go home but I made an excuse that you ran some errands in Cavite." dagdag niya.
Napabuga ako ng hangin. "Nahuli na bah--" tumikhim ako dahil nawawalan na talaga ako ng boses. I gasped some air and stared at him. "Ang pesteng naglason sa 'kin, nahuli na bah?" seryusong tanong ko.
Our eyes interlocked into each other. Medyo nakaramdam ako ng pag-aalala dahil kapansin-pansin ang pagod sa buong mukha niya. I can see dark circles surrounds his eyes. Kumurap siya. "I'm still searching where his location is. I got the plate number of the motorcycle he used yesterday."
Tumaas ang kilay ko. "Tapos? Ano pa ang nalaman mo?"
Umatras siya at nilagay ang kanang kamay sa bulsa. Mabuti at nagkaroon pa siya ng oras na magbihis dahil ang suot niya na ngayon ay jeans at simpleng T-shirt.
"Iyon lang sa ngayon... but I assure you, I will find that stupid as soon as possible--" I cut him off.
"At sabihan mo agad ako dahil ako ang kikitil sa buhay niya." malamig na sabi ko at nilingon ang bintana ng kwartong ito. Ang taas na ng sikat ng araw at ramdam kong napakainit na sa labas.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
