Chapter 13.
Done.
"Don't fvcking touch me!" I shouted when I noticed he's coming near me. Pinandilatan ko siya ng mata at parang wala siyang balak na magpaawat dahil walang pagdadalawang-isip niya akong binuhat. "Ano bah! Felix! Put me down--" I groaned when I felt pain between my legs.
Naitago ko ang buong mukha sa leeg niya at doon napapikit nang mariin. Ang sakit! Hindi ko yata kayang maglakad dahil sa sakit!
Hanggang sa may luhang namuo sa mata ko.
Putangina... ang sakit talaga.
Felix went inside to the bathroom, dahan-dahan niya akong inilapag sa tub. Mahigpit kong hinawakan ang makapal na kumot nang mapagtantong kukonin niya ito. I glared at him while gritting my teeth.
"Get out," malamig na saad ko, pigil ang paghikbi.
Bumuga siya ng hangin at napameywang akong pinagmasdan. I looked away and swallowed some air to calm myself. Parang lalagnatin yata ako sa sobrang sakit ng pakiramdam ng gitna ko.
Sinulyapan ko si Felix. Nanatili siyang nakatayo sa gilid, nasa beywang ang kanang kamay at titig na titig sa akin. I looked at him and immediately looked away. Nakakapaso ang paninitig niya.
Kahit mukha na akong lumpia sa sitwasyon ko ay nagawa ko pang umirap. "Lumabas ka na at umalis. I can manage myse--" he cut me off.
"We need to talk." napalingon ako sa kaniya.
"Ano naman ang pag-uusapan natin?" mataray na tanong ko. I rolled my eyes again. "Kung pagagalitan mo 'ko sa ginawa ko kagabi. I'm not sorry for doing that. Nagsaya naman ako at pati na rin... ikaw." okay, ang yabang ko sa parte na iyon.
Napakurap siya. "How sure are you to say that?" pambabara niya at pinagkrus ang braso.
I hugged myself more with my comforter. Nakaramdam ako ng hiya pero hindi dapat ako magpaapekto dahil alam kong nagustohan niya ang nangyari sa aming dalawa.
Hindi ko siya sinagot.
Rinig ko kung paano siya bumuntong-hininga. "Remove that blanket. There's no use if you will cover your body," masama ko siyang tiningnan. "Nakita ko naman na lahat kagabi." bulong niya.
"Ano'ng sabi mo?!" sigaw ko pero parang nabingi na yata siya dahil 'di niya ako sinagot at pilit na hinila palayo sa akin ang comforter. "Sabi nang umalis ka na! Kaya ko na ang sarili ko dito!" pagmamatigas ko at pilit rin hinihila pabalik ang makapal na kumot.
He did not bother to listen. Sa huli, nagtagumpay siyang kunin ang kumot ko at pinaagos na ang tubig galing sa gripo. Using my hands, para akong tangang tinatakpan ang sariling katawan.
Walang imik niyang kinuha ang liquid soap ko at ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi nang mahawakan ng kamay niya ang balikat ko.
Nakaiwas lang ako ng tingin habang pinapabula niya ang sabon sa tubig.
Cold and warm, that's the water he combined in the tub where I am sitting. Nang mapuno na ang tub ay nagkatitigan kaming dalawa. "Cold water might ease the sore you are feeling." seryusong aniya.
Tipid akong tumango.
"Makakaalis ka na," saad ko sa kaniya na agad niya namang sinunod.
Before he could go out, tumigil siya at nilingon ako. "Let's talk when you finished taking a bath." iyon lang at sinarado na ang pinto ng bathroom.
I pouted and rolled my eyes again. Tinapos ko ang pagligo at nagbihis ng komportableng damit. He was right. Naibsan ang hapdi na naramdaman ko kanina dahil sa magkahalong malamig at mainit na tubig na ginawa niya. May alam siya, ah? I did not expect that.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
AksiyonPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023