R18.
Chapter 59.
Most Wonderful.
"Felix..." I almost whispered his name.
He looked so mad while walking towards me. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Fatima. My lips were trembling especially when I glanced at his hand. He formed it into a fist. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Alam niya na kaya? Alam niya na bah? Pero paano?
Huminga ako nang malalim at sinalubong ang mahigpit niyang paghawak sa braso ko. Nabitawan ko si Fatima dahilan para mataranta ako.
"L-let me expla--"
"So this was your plan all along huh?" nanggigil na tanong niya. He is gritting his teeth and gripped a hold on my arm. "This bullshit... This is bullshit!" mura niya.
Napaiyak na ako, pilit na tinatanggal ang braso. "Felix... nasasaktan mo na ako--"
"What will happen next after he met my children? Huh?! What will happen next?!" hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman. Nanlalamig ang katawan ko, takot na takot siyang tinitigan. "You should have told me about this, Kathlyn Danity! Kung nalaman ko lang na ganito ang plano mo. Hindi ko siya hahayaan na makita ang mga anak ko! Never!"
Tumulo ang luha ko dahil sa bawat bigkas niya ng salita ay humihigpit ang paghahawak niya sa akin. "Felix... A-aray... bitaw na--"
"That demon don't deserves to meet my children! Not a single glance! Not a single touch! He will never meet them!" 'di na yata mapigilan ang galit niya. He is furious and angry with all of the angry. "This is fvcking bullshit, Kathlyn Danity! I did not know that you are this stupid!"
Napatulala ako sa sinabi niya. At nang tingnan niya ako ay agad siyang natauhan. Mariin akong napalunok kahit may bumabara na kung ano sa lalamunan ko.
Hindi ko siya makapaniwalang tiningnan. "S-stupid?" I asked. Marahas kong binawi ang braso ko at naiinis siyang tinitigan. "Nabobohan ka na sa akin ngayon, Felix?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Akma na sana siyang magsasalita nang sumigaw si Annie.
"Nawawala si Faith!" nanlaki ang mata ko at nangamba. "She went missing, Master!" she added.
'Di ko na inabalang tingnan si Felix at minadaling hinanap si Fatima. Marami ang lumalabas at marami ring pumapasok. Nanginginig ang labi ko at para na akong lumilitaw sa laba. Pinagpapawisan na ako.
"Fatima!" I yelled her name, pinagtitinginan kaagad ako ng mga tao.
"Daziera Fatima!" rinig kong sigaw ni Felix sa kabila. "Shit!" mura niya, mukhang nahihirapan na.
Pinunasan ko ang mga luhang umaagos sa pisngi ko. Luminga-linga ako sa paligid. Wala akong makita. Wala akong Fatima na nakita. Para na akong baliw na naghahanap sa wala.
Humagulhol na ako at napatakip na ako sa buong mukha.
"Fatima..." umiiyak na sabi ko.
Sumisikip na ang dibdib ko at hindi na ako makahinga nang maayos. I kept wiping my tears and catching my breathe. Nandito lang siya sa loob. Nandito lang siya! Hindi siya pwedeng lumabas dahil ang layo na namin sa main entrance.
All of my worries faded away when I saw...
I saw Fatima talking to... Wilfredo.
May kung anong humaplos sa puso ko nang makita kung paano lumuhod si Wilfredo para haplusin ang maliit na mukha ng batang kaharap niya.
Fatima giggled. I clearly saw it. Nakita ko rin ang pagtawa ni Wilfredo matapos makitang tumawa ang apo sa kaniya. I walked towards to the place where they are and when that happened, I lost my balance.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
AksiPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023