Seven

102 3 0
                                    

Chapter 7.

Pitaka.

Umiiyak akong umuwi ng bahay. Hindi ko nga alam kung paano ako nakauwi nang ligtas eh ang labo-labo nga ng paningin ko habang nagmamaneho dahil sa mga luhang nagbabadya sa mata ko. I hurt him...

Bakit ko ginawa 'yon?

Wala akong karapatan na saktan siya ng ganoon. I am still a stranger to him tapos sinaktan ko siya? How stupid I am to do that stupid thing! Malaking epekto sa kaniya ang mga sinabi ko... I called him... illegitimate, bastard... marami akong nasabi na alam kong nagpasikip sa dibdib niya.

"Ma'am Danity... ayos lang po bah--" tinaas ko ang kanang kamay ko para putolin ang katulong namin sa pagtatanong.

Lumanghap ako ng hangin, pinipigilan na ang sariling umiyak. "Don't mind me... matutulog na ako." iyon lang at tinalikuran na siya. 'Di ko alam kung makakatulog bah ako ngayong gabi.

At iyon nga ang nangyari. Ilang beses akong nagpapalit-palit ng posisyon sa kama para makatulog. Kahit na ganoon, tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko. Parang tinutusok ng karayom ang puso ko nang biglang sumagi sa isipan ko ang malambot na ekspresyon ni Felix. Nasaktan ko siya at paniguradong galit na galit na siya sa 'kin simula ngayon.

Morning came pero wala akong ganang bumangon. Alas 4 na ng madaling araw ako nakatulog kaya kung susubokan kong bumangon, mahihilo lang ako. I think I need to take sleeping pills again...

Pero ayaw kong mag-alala sina Mommy at Daddy.

My eyes was about to fall to sleep again when someone suddenly knocked on the door. Kilala ko kung paano kumatok ang mga tao rito kaya alam kong si Kuya Kailean ang kumakatok.

Dahil sa hindi ko pagsagot, napilitan na ang kapatid kong buksan ang pinto. He's holding a tray with food.

I slowly get up from my bed and looked at him.

"What happened last night?" diretsang tanong niya matapos mailapag ang tray sa table na nasa gilid.

Umiwas ako ng tingin. "Wala... 'wag mo nang alamin." matigas na ani ko, mahigpit na napahawak sa makapal kong kumot.

My brother crossed his arms and dartly looked at me. Wala akong nagawa kundi ang titigan rin siya pabalik. He sighed. "I already warned you about him but still, matigas ka pa rin." tipid na komento niya.

I pouted. Tinakluban ko ang sarili ng kumot at mariin na pumikit. Ayaw ko siyang kausapin kung tungkol lang naman kay Felix ang pag-uusapan namin. I felt his presence coming near my bed kaya mas diniinan ko pa ang pagpikit hanggang sa marahas na hinawi ni Kuya Kailean ang kumot ko.

Napahiyaw ako at matalim siyang tiningnan. Tamad niya naman akong tinitigan. "You get up, we're going somewhere." natigilan ako.

"Huh? Pagod ako, Kuya. Ikaw na lang--"

"You'll regret it if you refuse," pambabara niya kaya padabog akong bumangon at halos baliktarin na ang kama sa pag-aayos. "Sa labas ako maghihintay. Huwag kang magtagal."

"Huwag kang magtagal." I mocked him while arranging the sheets of my bed.

'Di ako naligo at nagpalit lang ng damit. Saan naman kami pupunta ng kapatid ko? Aish... inaantok pa ako! Pero parang importante yata ang pupuntahan namin. Sana naman doon ako makakatulog. I finished changing clothes and go out from my room.

Kinain ko rin pala ang dalang pagkain ni Kuya kaya busog ako nang makalabas. Nadatnan ko si Kuya Kailean na kinakausap ang kasambahay namin sa baba.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon