Fifty- Eight

82 3 0
                                    

Chapter 58.

Can't Be.

Gumalaw ako nang ilang beses para tingnan si Felix kung gising pa bah ito pero nang matingnan ko ang kaniyang mukha ay bakas doon ang pagod. Parang maraming araw na wala siyang tulog.

Bumuntong-hininga ako at napasinghap nang bigla niyang iniba ang posisyon namin. Ginawa niyang unan ang dibdib ko at huminga nang malalim.

I pulled his soft hair and closed my eyes. Muli kong hinayaan ang antok na hilahin ako sa matamis at mahimbing na pagkakatulog kasama ang asawa ko. Nang magising ay akala ko madadatnan kong wala nang tao sa ibabaw ko pero napasarap ang tulog ng mabait kong asawa sa ibabaw ko.

He is hugging me like he don't want to let me go. Sinubokan kong gumalaw pero humigpit lang ang pagyakap niya sa aking beywang. I tapped his head to wake him up but he is too stubborn. He even made a sound when I tried to push him.

Napaisip ako. Mas mabuting hayaan ko nalang siya matulog. It's obvious that he did not sleep for days. Matapos ang bangayan namin kagabi ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. He was hurt and still hurt for what happened to him and Tita Rita.

Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko siyang mariin na napamura habang umiiyak sa sobrang sakit.

My tears immediately formed and fell on the side of my eyes.

Humigpit ang pagsabunot ko sa buhok niya, pigil na pigil ang paghikbi. He groaned and pressed his body more. I feel sorry for him but I promised... I promise to love him more until this chaos end.

Nagising si Felix na nakanguso. We stared at each other. I smiled at him and caressed his face.

"Good afternoon..." malambing kong saad.

Mas lalong humaba ang pagnguso niya at parang bata na yumakap ulit. "I missed sleeping with you," bulong niya at siniksik ang mukha sa dibdib ko. "Did you miss me too, baby?" he asked softly.

I chuckled and slowly pulled his hair. "Who would not miss your sweet kisses every morning and night? Your perfect face... I missed it so much," pag-amin ko at ngumiti. "I also missed your smiles to our children... your laugh. Everything connected to you, I missed it." muli niya akong hinarap.

Nagkatitigan kaming dalawa. Walang pagdadalawang-isip niya akong siniilan ng halik. Napaliyad ang aking katawan nang agad niyang ipinasok ang kaniyang dila. I closed my eyes to feel his hot kiss.

We kissed tounge to tounge emotionally. Ramdam na ramdam naming dalawa ang pangungulila sa isa't isa.

Our kiss ended when we already lose our breathes. Habol na habol namin ang sariling paghinga at wala sa sariling natawa. I hugged him tightiy and smiled at the ceiling.

__

"Huwag n'yo na munang sabihan si Felix na aalis kami, Manang ha?" nag-aalala akong tinitigan ni Manang sabay tingin sa mga bata. "Hangga't maaari ay huwag niyong ipaalam... Ayaw kong sumunod siya."

Inayos ko ang pagkarga kay Renwick na mahimbing ang pagkakatulog. Kukonin kami ni Kuya Mon at ihahatid sa airport. Ang private jet namin ang gagamitin papuntang Canada. Pahirapan ang pagpapa-appoint kay Wilfredo at ang gusto pa ng secretary niya ay personal akong pumunta sa kaniya.

Isasama ko ang mga anak namin ni Felix para naman makilala niya ang mga apo niya. Ang alam ko ay wala siyang alam na nanganak ako, wala siyang alam na ikinasal ako sa anak niya. Ang Wilfredo na iyon... wala talaga siyang pakialam sa kaniyang anak.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon