Fourteen

91 2 0
                                    

Chapter 14.

Kape.

Comforting Yza and staying beside her is the only way I can do to make her feel okay. Panay ang pag-iyak niya sa loob ng isang linggo matapos umalis ang kapatid ko.

I sighed and gently tapped her back. Sa kabilang banda ay masaya akong nagkaroon na ng lakas si Kuya para bigyan ng oras ang sarili niya but in the other side, nalulungkot akong iniwan niya ang mahal niya rito. Tahimik akong nagdarasal na sana sa pagbalik niya ay maayos na ang lahat.

Hindi natuloy ang pagpunta ko ng England dahil mas pinili kong manatili sa tabi ni Yza lalo na't napapansin kong nagiging masama ang pakiramdam niya nitong nakaraan.

Si Felix lang ang nagpunta para isauli ang alahas sa dalagang totoong nagmamay-ari nito.

"Yza... kumain ka na," 'di ko alam kung ilang beses ko na iyong sinambit sa kaniya dahil hindi naman siya nakikinig. "Kahit pag-inom lang ng tubig, Yza..." dugtong ko pero tanging paghikbi niya lang ang natanggap ko.

Bumuntong-hininga ako at tumayo para pumunta sa kusina. Napasandal ako sa kitchen counter habang hawak ang baso ng tubig. Wala sa sarili akong napatingala sa kisame at napaisip na...

Paano kaya... kung kami ni Felix ang nasa sitwasyon nila Yzabelle at Kuya ngayon?

Napabuga ako ng hangin sa naisip. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong magtapat sa totoong nararamdaman ko para kay Felix. I'm scared na baka mas mahirap ang mararanasan ko kaysa sa nararanasan ni Yza.

Takot ako sa pag-ibig...

Inaamin ko na ito ngayon. Takot akong magmahal. Takot akong magtiwala. Ang pinagkakatiwalaan ko lang ay ang sarili ko. Pero tama bah 'yon? Tama bah na itago ko nalang ang totoong nararamdaman ko para sa lalaking gusto ko?

Aish! Nagugulohan ako! Mas mabuting huwag ko nalang isipin at magpanggap na hindi ko siya gusto.

Mas better nga kung magpanggap nalang ako 'di bah? Kaysa harapin ang katotohanan kung saan masasaktan ko lang ang sarili ko.

Kahit na may pakiramdam akong tatanggi pa rin si Yza sa pagkain, nagluto ako ng hapunan para sa aming dalawa. I am worried na baka magkasakit siya sa ginagawa niya.

While cooking a soup and fried porkchop. Tumunog ang cellphone ko, hudyat na may tumatawag.

My face frowned and wondered kung sino ang tumatawag. Para malaman kung sino ay pinunasan ko ang dalawa kong kamay sa apron at tiningnan ang caller identification. Napaawang ang bibig ko nang makitang unregistered ang number.

"Hello? Sino 'to?" tanong ko nang sagutin.

"Felix," my jaw dropped when I heard his baritone voice on the other line. 'Di ako nakapagsalita. "Still there, Kathlyn Danity?"

Napakurap ako. "Yeah! I'm... still here. Ba't ka napatawag?" I tried myself to calm down dahil para na akong napapraning at naiignorante sa biglaang pagtawag niya.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Just want to inform you that I already gave the necklace to the maiden,"

Hindi ko napigilang mapangiwi. Iyon lang? Iyon lang bah ang itinawag niya? Wow ha... akala ko pa naman may sasabihin siyang ibang bagay na mas pupukaw sa interes ko. Teka nga, bakit bah ako umaasa? Baliw na talaga ako. Kairitang puso naman.

"Edi congrats. Mabuti naman at agad mong naisauli," komento ko at hinalo ang sabaw na niluluto.

"Hmmm yeah. Congratulations to the both of us," inirapan ko ang sinabi niya pero naghatid na iyon ng kiliti sa tiyan ko. "How is Yza by the way?"

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon