Chapter 16.
Poisoned.
"Kamusta ka naman noong nasa England ka?" pormal kong tanong sabay inom saglit ng alak. 'Di siya sumagot kaya huminga ako nang malalim. "Sa totoo lang... gusto kong sumama sa 'yo noon pero dahil sa nangyari, nagbago isip ko." share mo lang, Danity.
Hindi pa rin siya nagsalita kaya napairap ako at nilagok lahat ng alak sa loob ng lata. Tulog na si Yza, kanina pa pagkatapos nilang mag-usap ni Felix. At ngayong kami nalang ni Felix ang nandito sa balcony, nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin habang kaharap ang malaking buwan kasama ang milyo-milyong bituin sa kalangitan.
This feels... something weird to me.
Parang may kumikiliti sa tiyan ko sa katahimikan naming dalawa. Psh! Alak lang yata 'to. Hay naku.
I heard him sighed reasoned why I looked at him. Saglit na nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang paningin namin. Ako na mismo ang umiwas at tumawa na parang baliw.
"Kailan ka pala nakauwi?" mabilis kong iniba ang usapan, binabalewala ang awkwardness na nararamdaman. "Nakalimutan kong itanong sa iyo kanina so kailan nga?" pilit pa akong ngumiti. Ewan ko bah! Bakit bah ako nagkakaganito?
Nagkibit-balikat siya. "Madaling araw na ako nakauwi," tipid na aniya.
"Eh? So ibig sabihin, wala ka pang tulog kanina sa trabaho?" curious kong tanong at tipid lang siyang tumango. Napaisip ako. "Nakaka-survive ka sa ganoon?" kunot ang noong dugtong ko.
Bahagyang tumaas ang kilay niya, halatang hindi agad nakuha ang sinasabi ko. Nagbukas pa ako ng panibagong beer at uminom.
"Ako? Kapag walang tulog tapos may trabaho? Sus! Mas pipiliin kong matulog nalang kaysa magtrabaho!" asik ko na nagpatawa sa kaniya nang mahina. Teka... tinatamaan na bah ako ng alak? Hindi naman 'to masyadong nakakalasing. Ang taas kaya ng tolerance ko!
Humagikhik ako at tinitigan ang isang building na maraming ilaw.
Bumuga ako ng hangin. "Nagka-jowa ka na bah?" out of the blue, tinanong ko iyon sa kaniya nang walang pag-aalinlangan.
Pinili kong hindi siya tingnan para 'di niya mapansin ang reaksyon ng pagmumukha ko. "Jowa? You mean girlfriend?" agad akong tumango. He chuckled. "I don't think I will call them as my girlfriend."
Kumunot ang noo ko at napalingon na sa kaniya. "Huh? Ano'ng ibig mong sabihin?"
Huminga siya nang malalim at umiling. "Next question. I'm sure you still have alot to ask there," saglit akong natigilan sa sinabi niya at napakurap-kurap nang ilang beses.
"Tsh! Iniiba mo ang usapan, ah? May tinatago ka 'noh?" pang-aasar ko.
"Why would I hide something?"
Nagkibit-balikat ako. "Ewan ko! Sagutin mo nalang kasi ang tanong kung nagka-girlfriend ka na bah,"
Pinanood ko ang magiging reaksyon niya. He laughed softly at bahagya kong nakita ang dimple sa kaliwang pisngi niya. That was just a small dimple but I find it very cute and attractive. Wala sa sarili akong napainom ng alak, mariin itong nilunok.
"I did not have,"
Exaggerated akong napasinghap. "Talaga? Sa dami-daming babae na humahabol sa 'yo? Wala talaga?" nanlalaki ang matang sabi ko.
Muli siyang natawa. "Well, pinapatulan ko sila but having an intimate relationship with them is not what on my mind," bigla-biglang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa maraming buwan na ang nakalilipas.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
