Chapter 57.
Last Memory.
"Prepare the papers for Renwick's passport and ID," seryusong saad sa akin ni Kuya Mon habang nag-uusap kami sa loob ng office niya. "You really broke up with Felix huh? Ano na kaya ang ginagawa no'n ngayon?" sarkastikong tanong niya.
Huminga ako nang malalim at napainom ng juice. "Hindi ko alam. Inaabala ko ang sarili sa pag-aalaga sa mga anak namin. Saka ko na siya iisipin kung..." naputol ako sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone ko.
Napatitig ako dahil si Mommy ang tumatawag. I licked my lips and answered the call. "Hello, Danity?"
"My... napatawag ka?" tanong ko.
"I'm here in your house pero ang sabi ni Manang ay umalis ka," napakurap ako nang ilang beses. "Saan ka ngayon? Gising na si Princeton, umiiyak at mukhang nagugutom na."
Bumuga ako ng hangin. "Pauwi na ako. Kinausap ko lang si Kuya Mon tungkol sa mga bagay-bagay..." pagsisinungaling ko.
May mga sinabi pa siya bago binaba ang tawag. When our call ended, nagkatitigan kami ni Kuya Mon. I heaved a sigh and told him na pumunta nalang siya sa bahay para kunin ang mga papeles ni Renwick. Maayos na kasi ang passport ni Fatima kaya kay Renwick nalang ang pinoproblema ko.
Dalawang linggo ang lumipas matapos kong makipaghiwalay kay Felix...
Siya na mismo ang lumipat ng tinitirhan para payapa kaming makatira sa bahay niya kung saan nandoon pa din si Manang at Daphnie na pwedeng makatulong sa akin sa pagbabantay. Bago siya umalis ay nagmakaawa pa siya sa akin.
Walang alam sina Manang sa nangyari sa amin. Mas mabuti lang iyon para wala silang masabi kila Mommy. Mag-aalala pa sila kung malalaman nila.
"Where have you been?" seryusong tanong ni Mommy nang makarating ako.
"Nagkita lang kami ni Kuya Mon, My..." tugon ko at kinuha ang umiiyak na anak. "Naparito kayo? Walang magawa sa bahay?" nakangiting tanong ko.
"Nothing. I just want to visit you," seryuso pa ring sagot niya. "I visited Felix just yesterday in his company. He don't look fine, Danity. Nag-away bah kayong dalawa?"
I stiffened and gulped. "Hindi naman. Baka sobrang pagod lang siya sa trabaho. Hindi na nga siya nakakauwi sa sobrang busy niya..." I lied again and put my attention to my son who's drinking my milk.
"Oh... Is that so? Mabuti at dinalhan ko siya ng pagkain kahapon," tumango lamang ako.
Sumisikip ang dibdib ko sa tuwing maaalala ko kung paano nagmakaawa sa akin si Felix. He beg on his knees to let me take back the words I just said but my decision was final. Wala akong sinabi na babalikan ko siya dahil ayaw ko siyang paasahin sa abot ng makakaya ko. It's bad for him if I will give him false hopes. Mas lalong madi-drain ang puso't utak niya.
Isang araw ay dumating si Yza. Alam niya nang wala na kami Felix kaya nag-alala siya. Nagsumbong siya na naglalasing si Felix kada gabi pagkatapos magtrabaho.
Nag-aalala na ako dahil ikatlong beses na siyang nagsumbong sa akin through call.
Pinatulog ko si Fatima habang nasa iisang kwarto naman si Renwick na natutulog sa crib. Sinabihan ko si Manang na pabantayan ang mga bata dahil may lakad ako.
Ang maingay na tunog ng club ang sumalubong sa akin. I used my car to go here para hindi ako mahirapan na pauwiin ang asawa ko.
I am wearing a tight black jeans and a white sleeveless top covered with a denim jacket. Ang daming napatingin sa akin habang papasok ako sa loob. Hinarangan pa ako ng bouncer dahil baguhan ako dito. Bagong bukas din kasi ang club kaya bago lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
AçãoPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023