Chapter 48.
Work.
Napabangon ako na parang binabaliktad ang sikmura. I immediately ran to the bathroom and vommitted. Tama nga ang doktor, unti-unti ko nang nararamdaman ang morning sickness.
Sapo ang sariling noo, tiningnan ko ang repleksyon sa salamin. I looked... haggard. Ay ewan ko! Nakakairita naman.
I washed my whole body before brushing my teeth. Nagsuot ako ng puting dress bago lumabas ng kwarto na basa ang buhok. Alas siete na ng umaga at gutom na ako.
Nakasalubong ko ang ilan sa mga kasambahay na isa-isa akong binati.
Huminga ako nang malalim at bumaba na sa hagdanan. I clicked my tounge when I heard some noises of people in the dining room.
Pagpasok ko ay nagtama ang paningin namin ni Felix. Kumunot ang noo ko. "Bakit ka pa nandito? Umuwi ka na kahapon 'di bah?" masungit na tanong ko at nagtatakang tiningnan si Mommy na hilaw lang na ngumiti. "Palabasin n'yo iyan o ako ang magpapalabas sa kaniya?"
"Anak..."
Nagtagis ang bagang ko at dinuro kay Felix ang isang tinidor. "Lumabas ka!" sigaw ko.
Kalmado siyang tumayo at naglakad patungo sa akin. Nanuot sa ilong ko ang panlalaking pabango niya. Umangat ang ulo ko sa kaniya. Matapang ko siyang tinitigan at nagulat ako nang dahan-dahan niyang inagaw ang hawak kong tinidor na nakaduro sa dibdib niya.
"Calm down..." he firmly said.
I bit my lower lip and pushed him. "Sa kwarto na ako kakain!" sigaw ko at tinalikuran na silang lahat. "Hindi pa nga nagsisimula ang araw ko pero sinisira n'yo na!"
Bago pa ako makalabas ay nahawakan na ni Felix ang braso ko pero hindi ko siya hinayaan na mahila ako. I pulled my wrist and did a painful stunt. Nasipa ko ang mukha niya dahilan para mapapikit siya sa sakit.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Don't you ever touch me!" sigaw ko. "Sa oras na hawakan mo ako ulit, pagsisisihan mo iyon!"
"Kathlyn Danity!" dumagundong ang maowtoridad na boses ng ama ko.
I froze and looked at him. Nanginig ang mata ko kasabay ng aking labi. Napaiyak ako kaya dali-dali akong lumabas ng dining room at nagkulong sa kwarto. I hugged myself as I cried like a baby.
Minuto ang lumipas ay may kumatok sa pinto. Hindi ko binuksan at wala talaga akong planong buksan iyon. Kahit gutom na gutom na ako. Wala akong pakialam!
"Anak, Danity..." boses ni Mommy. "Hindi ka pwedeng malipasan ng gutom. Makakasama kay baby iyan..."
'Di ko pa rin binuksan kaya sa huli ay napilitan silang gumamit ng susi. Pumasok ang ina ko kasama ang dalawang kasambahay na may hawak na tray. I pouted and looked away from them.
Nilapag nila ang tray sa lamesa at lumabas maliban kay Mommy.
I slowly walked towards to the table and started to eat. Masama ang tingin ko sa gatas dahil ang selan ng amoy.
"Ayokong uminom niyan," saad ko.
"You need to drink that, Danity. Lalakas ang bata at malusog 'pag lumabas na siya." si Mommy habang sinusuklayan ang buhok ko. Bumuntong-hininga ako at diretsong ininom ang gatas.
"Umalis na bah ang gago?" I asked while chewing the bacon. 'Di sumagot si Mommy kaya alam ko na ang isasagot niya. "Ano pa bah kasi ang ginagawa niya, Mom? Pwede naman sa araw ng kasal kami magkita." asik ko.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
