Chapter 26.
Full of Secrets.
"Wala munang mangyayaring Rated 18 dito, ah? May inosenteng isdang makakarinig." natigilan ako nang marinig ang nang-aasar na boses ni Vittorio sa malapit.
Nakangisi kong tinulak si Felix palayo na masama na ang tingin sa akin. I raised a brow in him and rolled my eyes. Hindi ako inform na marunong din pala siyang magselos? Naku! Bahala siya sa buhay niya.
I started to eat the food served in the table while Felix is staring at me. Wala raw siyang ganang kumain, sabi niya. Baka ako ang gusto niyang kainin?
Patago akong natawa sa sariling naiisip.
Medyo mahaba-haba ang byahe saad ni Vittorio kaya mas mabuting magpahinga na muna ako sa cabin-- I mean, kami ni Felix ang magsasama sa cabin.
After eating some delicious italian foods, I went back to the cabin and remained sitting for a couple of minutes before laying in the bed. Napatitig ako sa kisame at nang bumukas ang pinto ay napatingin ako sa pumasok.
I saw Felix entering the room with madness in his eyes.
Umirap ako at pinikit ang mga mata.
"Once we reached the mansion of the Desmas, you'll stay at my side no matter what happens." he seriously commanded.
"Why?" pikit ang matang tanong ko at huminga nang malalim.
Narinig ko ang pag-upo niya sa silya malapit sa kamang hinihigaan ko. "May pinaghihinalaan si Vittorio sa mga kasambahay nila so as much as we can do. We should really pretend that we are one of the guest of the grand party."
Doon na ako napadilat at napabangon. "Kung may pinaghihinalaan na si Vittorio, mas mabuting komprontahin na agad natin iyon para--"
"We can't do that, Kathlyn Danity." matigas niyang sabi dahilan para matiklop ang bibig ko.
I crossed my legs and arms and gave him a question look.
Bumuga siya ng hangin at tinitigan ako pabalik. "If we try to ask their maids about the bomb threat, a big possibility the enemies might attack the mansion. Manghihinala sila kung bakit tayo nagtatanong because only the Desma knows about the threat." seryuso niyang sabi.
Napakakibit-balikat na lamang ako.
"Edi okay. Basta kung mamamatay man ako, umiyak ka talaga ha?" walang halong biro na saad ko.
"Not a good joke," tipid niyang sagot. "I will protect you at all cost remember? Just trust me and you'll see it." dugtong niya at tumayo saka naglakad patungo sa akin.
Humiga ako ulit at pumaibabaw naman siya sa 'kin matapos matanggal ang suot na sapatos. I thought he's going to deepen the kiss we did just earlier but what he did surprised me. Ginawa niyang higaan ang katawan ko habang ang ulo ay nasa bandang leeg ko.
I sighed heavily and caressed his hair, making him groaned.
Mahina akong natawa at pinikit na ang mga mata para tuluyan nang makapagpahinga. Medyo narito pa rin ang pagod sa byahe namin kahapon sa eroplano.
Felix's hot breathe is tickling me but the warmness of his body made me more comfortable.
Tanging ang ginawa ko lang ay haplusin at marahan na sinasabunotan ang kaniyang malambot na buhok habang mahimbing na natutulog.
Narinig ko ang paghilik niya at doon na ako tuluyang hinila ng antok.
Waking up because of the weird noise from the outside. Sinubokan kong bumangon pero laking gulat ko nang may malalaking kamay na pumigil sa beywang ko.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
