Forty- Five

102 1 0
                                    

Chapter 45.

Time.

"Kumain ka pa nga ng marami!" napanguso ako kay Yza nang panay ang paglagay niya ng kanin at ulam sa plato ko. "Ang payat mo kaya kumain ka pa!" kung makapagsalita ang babaeng ito, parang nanay ko.

We're eating on an eat all you can buffet. Kami lang dalawa at hindi niya sinama si Yashniel dahil sinama ito ng Mommy niya sa park.

Bumuga ako ng hangin at napapikit na sa sobrang kabusogan.

"Tama na... busog na busog na ako, Yza." reklamo ko sabay inom sa softdrinks na nasa harapan ko.

"Fine! Huminga ka na muna nang malalim tapos kain ulit--" masama ko siyang tiningnan kaya natigil siya sa pagsasalita. "Oh sige na nga..."

"Sa ginagawa mo, para mo na akong pinapatay." tamad na sambit ko.

"Eh sorry na. Nag-aalala lang ako sa tindig mo," aniya at may kinuha sa bag niya. "Kahapon lang ay bumili ako ng vitamins para sa iyo. Everyday mo 'to inumin, ha? Para epektibo talaga."

Tinanggap ko ang box ng vitamins at uminom ng tubig. "Salamat dito." pagpapasalamat ko at napatingin sa entrance ng restaurant.

"Naku! Gusto kong makita ulit na tumatalbog ang dibdib mo! 'Yung tipong..." inaakto niyang tumatalbog ang dibdib niya kaya napalo ko ang braso niya. Humalakhak siya nang malakas. "Biro lang! Pero grabe, Kathlyn ha! Ang laki talaga ng dibdib mo."

"Malaki lang rin naman ang sa iyo," matabang na tugon ko.

Tumawa pa siya at natigil rin nang tuluyan nga naming makita kung sino ang pumapasok. It was Felix and a beautiful woman beside him. Sabay silang pumasok at inalalayan niya pa pagkaupo.

Huminga ako nang malalim. At halos lumuwa ang mata ko dahil pagtingin ko sa gawi ni Yza ay wala na siya sa kinauupoan niya!

What the!

"Yza!" sigaw ko. She's walking towards to the table where Felix and his date is sitting.

Nakita ko kung paano napatayo si Felix nang mapagtanto na nasa harapan niya ang kaniyang kaibigan. Kita ko rin ang gulat at pagtataka sa mukha no'ng babae. Napasapo ako sa sariling noo. Halatang ginugulo ni Yza ang dalawa!

"Sabi ko naman sa 'yo. Nandito kami para kumain! Sana sumabay ka nalang sa amin," I bit my upper lip when I slowly hear Felix's and Yza's voice.

"I have a meeting with that woman, Yza--"

"At tingin mo may pakialam ako? I-reschedule mo ang meeting at sabayan mo kami ni Kathlyn na kumain!" sa sinabi ni Yza ay nagtama ang paningin namin ni Felix. "Ah! Binigyan ko ng vitamins si Kathlyn para naman manumbalik ang katawan niya."

His eyes landed on the box beside my hand. Saglit na tumaas ang isang kilay niya bago umupo sa harapan ko.

"Kain ka na? Kukuha pa bah ako ng gulay? Ano?" atat na atat na tanong ni Yza habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa lalaking kaharap ko. "Ano bah 'yan. Magsalita nga kayong dalawa."

"Wala akong masabi, Yza." sabi ko.

Sarkastikong ngumisi si Felix. "Me too. I have nothing to say," iniwas ko ang tingin ko sa kaniya.

Pinasok ko ang box na bigay sa akin ni Yza sa bag na dala ko. I don't want to go yet. Gusto ko pang makasama si Yzabelle pero dahil nandito ang kinaiinisan kong lalaki ay parang gusto ko nalanh maglaho.

I remained silent while eating the shrimp. Napatingin ako sa crab na binubuksan ni Felix. Ano bah 'yan... gusto ko sanang magbukas rin ng alimango pero may sugat ako sa kamay dahil sa paglalaba ko sa damit niya kahapon. Napanguso nalang ako at hinayaan ang sarili ma maglaway sa kinakain niya.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon