Forty- Three

93 1 0
                                    

R18. This chapter includes murder and very sensitive scenes. Please read at your own risk.

Chapter 43.

Jack.

Sinabihan ko si Daddy sa problema tungkol sa mga cards ko. He was surprised na lahat talaga ng cards ko ay na-freeze. Ang sabi niya ay ang assistant niya na ang bahala para hindi na ako mamroblema.

"Thank you, Daddy..." full of sincerity, I said and hugged him.

He tapped my back and whispered. "Something is wrong with you, Danity." nagulat ako at hinarap siya. "Tell me what is it and I will find a way to help you."

'Di ko akalain na naramdaman niya pala iyon. Imbes na sabihin sa kaniya ang katotohanan ay ngumiti lang ako. "Nothing is wrong with me, Dad. Ang cards ko lang talaga ang may problema." pagsisinungaling ko at nagpaalam na sa kanilang dalawa.

It makes me wonder what will my father feel if the time comes he will meet my daughter. Ang sabi ni Mommy ay sobrang tuwa ni Daddy noong malaman niyang babae ako. I can see that my father is really fond of little girls.

Sigurado akong matutuwa din siya kung sakaling ipapakilala ko na sa kaniya si Faith.

Habang papauwi sa malaking bahay ng amo ko ay bigla niyang itinigil ang kotse sa daanan. Mga ilang minuto ay mararating na namin ang bahay niya. Bakit siya tumigil?

"Get down," utos niya.

"Ano?" hindi ko yata narinig nang maayos ang kaniyang sinabi.

"Bumaba ka at maglakad." seryusong sambit niya. "Naaasiwa akong makasama ka ng matagal."

I scoffed. "Seryuso ka bah? Kanina ay sabay tayong sumakay tapos ngayon ay pabababain mo 'ko dahil naaasiwa ka?" 'di makapaniwalang tanong ko. "Hindi ako bababa. Kahit katulong mo ako ay wala ka pa ring karapatan na gawin ang bagay na ito."

"Lumalaban ka na ngayon?"

"Dahil may karapatan akong lumaban." matapang kong saad.

"Want to be punished again?" may pambabantang tanong niya na nagpatigil sa akin. "Bababa ka o paparusahan na naman kita?"

Padabog kong binuksan ang pinto at bumaba. Ayaw ko nang bumalik roon, ang init at hindi ko alam! Baka mababaliw na ako kung sakaling ibabalik niya ako roon.

Nang makababa ako ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan.

I blowed a large breathe and started walking. Kainis... May sakit na nga ako pero talagang pinapahirapan niya pa ako. He don't have mercy on me anymore but I shouldn't care about it. Malakas ang pakiramdam ko na pagsisisihan niya ang mga pinanggagawa niya ngayon.

Matagal na akong nagsisi at pinatawad ko na ang aking sarili. Si Felix nalang ang hinihintay kong matauhan sa mga masamang gawain niya.

While walking, inatake na naman sa pagsakit ang ulo ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. I massaged my head while breathing normally. Malapit na ako. Wrong timing! Ang wrong timing talaga.

I completely lost my balance. Tuluyan akong napahiga sa semento at napapikit.

"Wake up," that serious voice woke me up.

Akala ko ay nasa labas pa rin ako, nakahiga at parang patay na nasa semento. But surprisingly, I caught myself laying in the large sofa. Nakatayo si Felix sa harapan habang nakakrus ang dalawang braso.

"Bumangon ka na," sambit niya at dahan-dahan nga akong bumangon. "Let's talk about what will happen to us for the next months."

Umayos ako ng upo. "Hindi tayo magpapakasal."

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon