Chapter 8.
Proposal.
What's happening right now is like a deja vu to me. Kung noon, panyo ang sinasauli niya, ngayon ay pitaka ko na naman. Hindi ko talaga alam kung paano at saan niya napulot ang pitaka ko. Ganoon bah ako katanga para hindi mapansin na nahulog ko 'yon? Ay ewan ko!
"Can I come in?" that question made my body stunned.
Magkasalubong ang dalawang kilay ko siyang tinitigan. "Ayoko nga, bakit naman kita papapasukin?" I sarcastically asked and attempted to get my wallet again.
"Bakit? Sa tingin mo bah may gagawin ako sa 'yo?" nalaglag ang panga ko, hindi makapaniwala.
"Just give me the wallet and get lost," nagpipigil na ang emosyon na sabi ko.
Tinaasan niya ako ng kilay at ngumisi. "Why would I get lost if I am just living here?" natigilan ako at nawalan ng salitang isasabi. He scoffed. "Mag-thank you ka nalang kaya para makaalis na ako? Or..." pinasadahan niya ako ng tingin at ngumisi na naman. "Lutoan mo 'ko for your gratitude." he suggested.
May kung ano yata sa ulo ko ang sumabog dahil sa inis. I dartly stared at him. Nakangisi lang siya sa 'kin. The way he smiled at me is different from the way he smiled before. Kinurot ang puso ko bigla-bigla. He literally changed after what I did to him.
Nangilid ang luha ko kaya mabilis akong umiling at umirap.
Mas maganda kung pakakainin ko siya para naman gumaan ang pakiramdam ko. I'm still guilty for what I did to him before.
I opened the door widely to let him in, tunog siyang napangisi at walang pagdadalawang-isip na pumasok.
Sumunod ako sa kaniya. He surveyed the place then looked at the painting my mother bought from an exhibit. "Kakalipat mo lang?" tanong niya nang hindi nakatingin sa akin.
Tumango ako. "Kanina lang," tamad na tugon ko at dumiretso na pabalik sa kusina. Naramdaman ko ang pagsunod niya.
I continued chopping the ingredients at sa kamalas-malasang aksidente kong nasugatan ang isang daliri ko. Napaimpit ako at nagmadaling tumungo sa sink para mahugasan ang kamay. I felt him panicked and rushed going to me. My eyes widened when he suddenly pulled my hand and check it.
"What the... where's your first aid kit here?" umigting ang kaniyang panga matapos itanong 'yon.
Bumilis ang pagtibok ng aking puso sa ekspresyon na ipinakita niya. Hindi ako nakapagsalita kaya napatingin na siya sa 'kin. His brows furrowed and let my hand go.
Umiwas siya ng tingin. "I'll get my first aid in my room, don't move there-- I mean, just stay there." at umalis nga siya, iniwan akong tulala sa kusina.
Nawala yata ang hapdi sa daliri ko dahil sa nakita. Dahan-dahan akong napahawak sa dibdib ko at marahas na napailing. Hinugasan ko nang maayos ang daliri na nasugatan. At wala pang isang minuto ay agad siyang nakabalik! I was shook when he got back so fast! May dala siyang maliit na box. Hinila niya ako sa sala at pinaupo sa sofa.
Hindi na maipinta ang mukha niya habang binubuksan ang betadine. Sinulyapan ko ang box.
"You can just use the alcohol," walang pakialam na sabi ko.
"It will hurt you more," kahit nagulat sa sinaad niya ay nanatiling walang emosyon ang mukha ko para pantayan ang ekspresyon niya.
"Sanay akong masaktan kaya alcohol unahin mo tapos betadine," sagot ko at ako na ang kumuha ng alcohol para ipatak ito sa daliri. Nakaramdam ako ng hapdi pero dahil nasanay na ako ay wala akong ginawang reaksyon. "Akin na ang betadine at cotton."
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
AksiPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023