Chapter 33.
Really Jealous.
"Gusto kita."
Matapang kong sinabi ang dalawang salita na iyon sa harapan niya. I catched my breathe and bit my lower lip to stop myself to say another words. Gusto kong iyon ang sabihin pero... wala siyang sinabi.
His cold stares at me made me feel conscious. Nakapamulsa lang siya habang nakatayo sa harapan ko.
"So... ano? Wala ka bang sasabihin?"
Nagulat ako nang mabilis siyang umiling. My hand formed into a fist. Kumirot ang puso ko sa naging tugon niya. Ilang beses akong napakurap at hindi makapaniwalang tinalikuran niya lang ako.
But the important is... nasabi ko na sa kaniya ang gusto kong sabihin.
That's it, Danity. Wala ka nang gagawin.
Huminga ako nang malalim bago humiga sa malambot kong kama. That happened weeks ago kung saan patagong umuwi si Kuya galing Amerika.
Yzabelle was so happy at kahit kami, masaya talaga sa nangyari. My brother got emotional after knowing his soon to be wife is pregnant. Napaiyak din siya noong pasurpresang dumating si Lolo sa gender reveal party sa baby nilang dalawa kanina.
I bitterly smiled and covered my eyes using my wrist.
Um-attend nga si Felix pero hindi kami nagpansinan. Ano pa bah ang inaasahan ko? Wala na siyang pakialam.
Nakatulog ako at nagising sa panibagong araw na dumating. I woke up with a heavy heart but still, kinailangan kong magtrabaho at huwag na isipin ang mga pesteng nangyari.
"Hello, Danity?"
"Mommy... napatawag ka?" tamad ang boses na tanong ko.
I'm currently eating my breakfast. "Your Lolo asked me if you can come here for the whole three days. Leave your work for now, gusto kang makasama ng Lolo mo."
Napanguso ako. Ang dami ko na sanang napagplanuhan sa araw na 'to pero gusto ko ring makasama si Lolo kaya sinunod ko ang sinabi ni Mommy at nag-file ng tatlong araw na leave sa trabaho. Mabuti at may na-assign agad na katrabaho ko na gawin ang aking trabaho.
Lolo missed the beaches here so he planned to go to a beach.
Dala-dala ang travel bag na may laman na konektado sa lakad namin ay napasulyap ako sa lalaking naglalakad patungo sa amin.
"Kasama siya, Lolo?" tanong ko.
Tipid na ngumiti ang Lolo ko. "Obviously," I pouted by his response.
Bahagyang yumuko si Felix para magbigay-galang sa Lolo ko. "Good morning, Mr. Viornole." he then glanced at me. "Morning."
What the...?! Bakit kay Lolo may 'good'? Tapos sa akin wala? Patago akong napangiwi at napairap.
"So I'm expecting we are going to use your car?" si Lolo.
Felix nodded. "Yes, Sir."
Tinulongan niya si Lolo sa gamit samantalang ako ay hirap na hirap sa travel bag na dala. Hindi niya bah napapansin na nahihirapan ako? Damn this man! Makakatikim siya sa 'kin sa oras na makarating kami sa beach na pupuntahan!
'Di ko na maitago ang pagkasimangot ng pagmumukha ko. I hate it when he easily talks to Lolo but me? Para lang akong hangin.
Inabala ko ang sarili sa paglalaro ng games sa cellphone. Mabuti pang hindi ko na sila pansinin.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
