One

734 8 1
                                        

Chapter 1.

Trauma.

Hands trembling while looking at the boy who's holding a knife full of blood. Parang gusto ko nang magpalamon sa sahig nang bumaling ang mata niya sa  kung saan ako nakatayo. I stepped backward when he I saw he's planning to walk towards me.

"Don't come near me!" sigaw ko sa kaniya pero hindi siya nakinig.

Nadagdagan ang nararamdaman kong kaba dahil bigla niyang tinutok sa dibdib ko ang hawak niyang dugoan na kutsilyo. Fresh tears formed in the side of my eyes. Am I going to die here? Nasaan na sila Mommy... si Kuya?

Kitang-kita ng mga mata ko kung paano sinaksak noong bata ang lalaking nagtangkang sumaktan sa akin. I wanted to thank him for saving me but I am scared... through his cold look at me... looks like he has a plan to kill me too.

Ang naaalala ko lang ay nasa park kami ni Aunt Althea kanina, she left me playing with the other kids at the park. While I was enjoying playing, a man kidnapped me!

"Sabi nang huwag kang lumapit sa 'kin!" buong lakas ko 'yong sinigaw and maybe I should thank God more that he really stopped. "Isusumbong kita sa Daddy ko! You know Dominic Viornole?! He will get mad if you try to hurt me!" dagdag ko.

This place is too dark... really really dark like we are in a horror movie.

I screamed out of fear when the boy suddenly raised his hand, he is going to stab me!

Napabalikwas ako ng bangon, habol na habol ang paghinga at parang pesteng tangang lumilinga sa bawat sulok ng malaking kwarto ko. Mabilis pa sa alas kuwatro kong niyakap ang sariling mga tuhod, pinikit ang mga mata at naiinis dahil nananaginip na naman ako!

Putangina! Ilang taon na noong huli akong nagkabangungot. Bakit pa bah bumalik?! Six years old ako noong ma-kidnap ako at simula no'n...

Nakalimutan ko na lahat.

Muntikan na akong mapatalon sa kama nang biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang ina ko na halatang inaantok pa. She rushed running towards me at nang makaupo siya sa kama ay hinaplos niya ang mukha ko.

"Are you okay, anak?" tanong niya, nag-aalala.

'Di ako makatingin sa mga mata niya. "A-ayos lang ako, My..." mahina ang boses na tugon ko.

Suminghap siya ng hangin at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. "I can't sleep, Danity... I was thinking about you all night," sabi niya at hinarap ako. "Napagod ka na naman bah sa training mo?"

I pouted. "Palagi namang nakakapagod ang training ko, Mommy..." tanging nasabi ko. "At dahil sa pagod, I'm having nightmares again." bulong ko.

"Oh God... how I wish I can convince your father that you should stop--"

"No," pigil ko sa sasabihin niya. "Ayaw kong tumigil, Mommy. Gusto ko pang matuto ng maraming bagay. Ito ang makakaligtas sa 'kin sa masasamang tao na may galit sa pamilya natin. Ayaw ko ring mag-utos si Daddy ng mga tauhan na bantayan ako dahil kaya ko ang sarili ko." seryusong saad ko.

My mother sighed heavily. "I know, Danity... I know that," sumilay ang malungkot na ngiti sa labi niya. "It's been 3 years since Yza left your brother... at natatakot akong dumating ang araw na maaaksidente ang Kuya mo dahil sa pagiging tulala niya minsan."

"I got your point, Mommy. Gusto mong protektahan ko si Kuya Kailean at gagawin ko naman 'yon," sabi ko.

Tama siya. Tatlong taon na ang lumipas simula noong ipinahiya ni Yza ang pamilya namin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung galit bah ako sa kaniya o hindi pero ang alam ko, ayaw ko na siyang makita pang tumatapak sa lupa ng bansang 'to. 'Di niya alam kung paano naghirap at muntikan nang mawala sa sarili ang kapatid ko noong iniwan niya ito.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon