R18
Chapter 46.
Naputol.
Sa loob ng walong oras ay nakilala ko ang ina ni Felix. Napakalambot niya magsalita kaya masasabi mong approachable siya pero sa oras na magseryuso siya ay mabilis mong mababawi ang first impression mo sa kaniya.
Ako na mismo ang magsasabi. She maybe kind but she is also deadly.
Marahan akong natawa nang may nakakatawa siyang binahagi sa akin noong bata pa si Felix. I can see it thoroughly in her eyes that she loves her son very much.
'Yung tipong kumikislap ang mga mata niya kapag anak niya na ang pag-uusapan. Ramdam ko ang pagmamahal niya.
"Why are you looking at me like that?" I asked when she stared at me deeply.
"You love my son," komento niya na nagpagulat sa 'kin. Napaatras ang dila ko at nawalan ng salitang isasabi. "Please don't deny it. Your eyes clearly tells it." she said then chuckle softly.
Napaiwas ako ng tingin. "Nakakahiya man pong sabihin... pero matagal ko na pong mahal ang anak ninyo," nahihiyang ani ko. "Simula noong una ko siyang makita ay tumibok na nang mabilis ang puso ko. Love is really weird sometimes... But you are right. I do really love your son."
"Of course! Hindi mo bubuhayin ang anak niya kung hindi mo siya mahal," she got the point. "But I won't deny that my grandchild got my eyes hmm?"
I laughed. "Kuhang-kuha niya pati ang ilong ninyo,"
"Bet ko 'yan!" she squeaked making me laugh more. "Mahalin mo pa ang anak ko, hija. Love him without regrets in your heart and he'll love you more than you do." those words from her gave me a tight rope to hope.
Marami pa kaming ginawa. Pagkatapos sa salon ay nag-foodtrip kami sa kung saan-saang kainan na madadaanan ng sasakyan niya.
Kahit isang street food stall ay pinunterya talaga namin para makakain kami nang marami. Umabot kami ng tatlong oras sa pagfo-foodtrip hanggang sa mamatay ang makina ng kaniyang sasakyan.
Parang ang kotse niya ang napagod at nabusog sa ginawa namin.
Ang kasiyahan na naramdaman ko na kasama si Tita Rita ay napalitan ng pagkadismaya nang madatnan ko si Felix na nalulunod na sa alak na nasa sala. I blowed a large breathe and tapped his face to wake him up.
"Felix," I called. "Hapon na hapon pa pero naglalasing ka na."
Pilit ko siyang pinabangon at pinahiga sa couch. He groaned and slightly opened his eyes. "Where have you been? Ang tagal mong bumalik. Gusto mong maparusahan... ulit?" lasing na tanong niya.
Napailing ako at pinitik ang ilong niya. He went back to sleep and even snored as if he got tired from drinking too much alcohol.
Bumuntong-hininga ako at pinagmasdan ang kalat na nagawa niya. Puro alak ang ininom niya. Walang pulotan o kung ano pa iyan na konektado sa pagkain. Ano bah ang gusto niya? Maapektuhan ang atay niya? Hay naku!
Imbes na maliit lang ang lilinisin ko rito. Dinoblehan niya kaya todo na naman ang pagtatrabaho ko. Ang gunggong na 'to... Alam talaga kung paano mang-inis ng tao.
"Hmmm... K-Kathy..." natigil ako sa pagkuha ng botilya ng alak nang marinig kong tinawag niya ako. "Tangina... miss na kita..."
"Baliw. Nandito lang naman ako. Ikaw lang 'tong lumalayo." asik ko at pinagpatuloy ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
AcciónPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
