Chapter 55.
Darkness.
Nanghihina kong tinitigan ang asawa ko na may nag-aalala nang mukha ngayon. He immediately noticed my swollen eyes so he ran towards me and held my cheeks.
"What happened? Why are you crying?" tanong niya.
"Please hug me..." nakangusong sabi ko na agad ko namang sinunod. Hinaplos niya ang buhok ko at tinapik ang aking likod. "Hormones lang 'to kaya ako umiiyak... Ang weird 'noh?" pagsisinungaling ko.
He let me face him with a questioning look. 'Di ko siya makukumbinse dahil sobra-sobra ang pag-iyak ko sa harapan ni Kuya Kailean. Para hindi na siya manghinala ay niyakap ko nalang siya ulit at sinandal ang ulo sa kaniyang dibdib.
Nagtama ang mata namin ni Yza na nag-aalala rin. I smiled at her but she did not smile back. Nakita kong binulongan niya ang kapatid ko bago ako nginitian.
"Gusto ko nang matulog..." bulong ko.
"Then go to sleep," he said then stared at me. "You must be really tired." I nodded.
Hinarap namin ang mag-asawa. "Salamat sa pagpunta ninyo dito, Yza... Kuya Kailean pero matutulog na ako. Medyo maraming ginawa ang jontis sa araw na ito." Yzabelle chuckled as I said those.
"Babalik kami kapag may oras kami ng Kuya mo," lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Yza. Lumapit siya sa akin para makipagbeso. "Mag-ingat ka palagi okay? Gagawan rin kita ng buko pandan pagbalik ko dito. Yashniel, magpaalam ka na sa Aunt Danity mo."
Yashniel cutely walked towards me. I tossled his hair and pinched his soft cheeks. Kumurap siya at kinaway ang maliit niyang kamay. "Bye..." mahiyaing sabi niya.
I let out a soft chuckle and waved my hand too. Hinatid namin ang mag-asawa sa kanilang kotse. Nasa mukha pa din ni Kuya Kailean ang pag-aalala. Nginitian ko nalang siya para hindi na siya mag-alala pa.
Pag-alis ng kanilang kotse ay hinintay kong maglaho sa paningin ko ang paglayo nito. A lone tear fell in my cheek as I breathed deeply. Sinandal ko ang ulo sa dibdib ni Felix habang pabalik kami sa loob ng bahay. Hinatid niya ako sa aming kwarto.
Nakanguso ko siyang tinitigan.
"'Di ka pa matutulog?" I asked and he nodded. "Bakit? Magtatrabaho ka pa?" muli siyang tumango.
"I need an update from the person who sent the box, my tigress. Kung mahuhuli namin siya ay mabibigyan ako ng lead kung sino ang bagong leader nila matapos mawala ni Slovenia," nandilim ang mukha niya saka huminga nang malalim. He leaned his face to kiss me in the forehead down to my lips. "Goodnight, Kathy... Sleep well." binaba niya ang kaniyang mukha sa aking tiyan.
"W-what are you doing?" tanong ko.
He gently kissed my baby bump. Nanindig ang balahibo ko sa ginawa niya. Parang naramdaman ng anak ko ang paghalik ng kaniyang ama. It sent butterflies in my stomach when he kissed it again and again.
"I love you," he sincerely stated then stared at me. "Do you love me?"
"Yes..."
"Say it." utos niya.
I pouted and pulled him. Hinalikan ko siya. I kissed him until the two of us could not breathe anymore. "I love you... I love you..." bigla akong naging emosyonal.
Napahikbi ako. He wiped my cheeks and kissed me gently in my lips again. Kinumotan niya ako at tinapik ang aking ulo. Hinila ako ng mahimbing na pagkakatulog pero naalimpungatan nang may humaplos sa aking tiyan. It was my husband who just took a bath.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
AcciónPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023