Twenty- Seven

142 3 0
                                        

Chapter 27.

Wants A Meeting.

"Saan ang garden ninyo dito?" tanong ko kay Annalie matapos ang ilang oras naming paglalakad sa buong mansyon.

Natigil kami sa paglalakad at nilingon niya ako. She smiled and pointed a wide door. Hinila niya ako patungo roon at pagkabukas ng isang kasambahay ay lumantad sa mata ko ang malawak na hardin ng mga Desma.

I was in awe to finally see their beautiful garden. Dahan-dahan akong napababa sa hagdan habang nakaawang ang bibig. This is too wide! May ganito rin naman kami sa Espanya pero hindi ganito kalawak. Wala sa sarili akong natawa dahil bigla kong na-imagine ang mukha ng batang version ni Felix na naglalaro dito kasama sila Vittorio.

"It's beautiful isn't it?" si Annalie.

Lumapad ang ngiti ko at mabilis na tumango. "This garden is too wide! Na parang limang bahay yata ang magagawa rito!" namamanghang saad ko.

She chuckled. "Felixio used to play here with Slovenia," napawi ang ngiti ko sa narinig.

Umihip ang malakas na hangin dahilan para liparin ang maikling buhok ko. "Sino si... Slovenia?" mahina ang boses na tanong ko. Tinatago ang namumuong inggit sa sarili.

"Felixio's bestfriend," nakangiting tugon ni Annalie.

Ilang beses akong napakurap. Imbes na tumahimik ay nagpanggap nalang akong nasisiyahan sa pagmamasid sa paligid. I saw an old lady picking pink roses. Naagaw ko yata ang atensyon niya dahil napatingin siya sa direksyon ko.

Tumabi sa akin si Annalie. "She's Aunt Martha," bulong niya at mabilis na naglakad patungo sa matandang babae.

Wala siya kanina pagdating namin ni Felix. Baka nandito lang siya, abala sa mga bulaklak.

"Hello..." I greeted her.

Ngumiti siya nang napakatamis. Kahit may katandaan na ay kapansin-pansin pa rin ang kagandahan niya. "Hello there! You must be Felixio's wife?" she politely asked and I nodded. "Such a fine lady." pormal na dugtong niya.

Tanging pagngiti lang ang itinugon ko at tiningnan ang mga pinitas niyang mga rosas. Pink roses aren't my type but it's still good to look at. I prefer red roses than the other colors of roses. For me... red symbolizes power.

Napansin ni Martha ang pagtitingin ko sa mga pinitas niya.

"Where's Felixio by the way?" tanong niya sabay kuha ng isang napitas. "He likes picking roses when he was still a kid." she suddenly shared and that makes me blink alot of times. "And I am hoping those roses were given to you."

My jaw dropped a bit. Inalala ko kung nabigyan na bah ako ng roses ni Felix kahit isang tangkay lang pero nang maalala ko na wala talaga siyang naibigay ay bigla akong nanlumo. Bakit niya naman ako bibigyan eh pagpapanggap lang naman 'tong ginagawa namin rito. At kapag matatapos na naman ang misyon na ito ay balik na naman kami sa normal.

I bit my lower lip. "Of course, Ma'am... he sometimes give me a bouquet of roses." mapait kong saad pero pilit na ngumiti.

Makahulugan siyang ngumiti at bahagyang binaba ang tingin sa napitas niyang bulaklak. "I can see it in your eyes that you are not saying the truth."

Nabigla ako at natigilan sa sinaad niya. I suddenly felt ashamed for myself. 'Di ko man lang inalam na mabilis palang makiramdam ang isang Aunt ni Felix.

Bumuntong-hininga na lamang ako. "I apologi--"

"Sit down here," she said in a sweet tone but I can sense authority on it. "Annaliesia. You sit down here too." dugtong niya.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon